Abante Tonite Interactive

Jericho nagulat na niloko online ang anak

By
2,255

Clueless si Jericho Rosales sa ku­malat na balita na ang anak niyang si Santino ay nabiktima ng mga online seller sa social media.

Gayunpaman, ayaw niyang magbigay ng pahayag unless nakausap na niya ang kanyang anak at nakuha ang panig nito.

“Mag-uusap pa lamang kami so, I can’t talk about it,” pakli niya.

Dagdag pa niya, kung sakali ngang totoo ang nangyari, nagbigay naman siya ng konting payo sa anak.

“Siguro, ma­ging careful na lang sa pagta-transact especially online kasi hindi mo kilala iyong kausap mo. Lalo na sa social media na hindi mo rin kakilala kahit iyong mga friends mo o followers mo. So, iyon, maging maingat na lang,” aniya.

Sa teleseryeng ‘Halik’, maraming love at kissing scene si Echo kina Yam Concepcion at Yen Santos.

Aminado naman siyang nakaka-relate siya sa kuwento dahil siya man ay dumaan na sa maraming pagsubok sa pakikipagrelasyon bago pa niya natagpuan ang kanyang ideal life partner na si Kim Jones.

“Whether or not pinagdaanan ko iyon, alam mo, I have to do my homework. Sobrang happy dahil may pinagdaanan na ako, kaya naipo-portray ko siya nang maayos,” paliwanag niya.

Bilang isang lalake, hindi rin naman niya ikinakaila na sa mga leading lady niya na nakakahalikan ay nadadarang siya subalit ito raw naman ay nama-manage niya.

“It’s what you do with it. It’s not about what you’re given or what you receive but what you do about it,” sey niya. “Kaya nga, it’s important to meditate, pray and prepare yourself or don’t put yourself in a situation na alam mong tatagilid ka. You have to be professional. Kailangang basahin mo iyong iskrip. I’m always respectful of my leading ladies so I guess, Yam and Yen are comfortable talking about it, because I have one person that I love most and that’s my wife. She understands my job. She respects me and I respect her back. That’s what I love about it. She knows me na hindi ko lang ginagawa ang isang project dahil may gusto akong halikan o may gusto akong ganoon,” pagtatapos niya.