WebClick Tracer

Jerom Lastimosa bumangis sa pananabon ni LA Tenorio

ABANTE TONITE

Madalas masermunan ni Magnolia Chicken Timplados coach Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio si Jerom Lastimosa pero tuloy lang ang laro ng guard, lalo pang bumangis.

“Alam ng mga player na siya ang madalas ko pagalitan because I know ang kaya niyang gawin sa team na ‘to,” ani Tenorio. “Sabi ko sa kanya na it’s his responsibility now na matuto siya. May mangyari sa team sa loob ng team o wala, siya ang pagagalitan ko.”

Walang problema ‘yun kay Lastimosa kahit mapagalitan siya sa practice o sa mismong laro.

“Du’n naman tayo matututo,” katwiran niya. “I never take for granted na nagagalit si coach sa akin. It means, may pakialam siya at gusto lang niya mag-improve pa ang laro ko.”

Level up nga ang laro ng 28-year-old playmaker.

Umiskor si Lastimosa ng career-high 30 points noong Miyerkoles, Aug. 12, para giyahan ang Hotshots sa 115-101 win laban sa Phoenix sa Philippine Basketball Association 50 Governors Cup eliminations.

Sumisingasing na tinapos ng Magnolia ang first part ng tournament, pagkatapos ng 1-3 win-loss start ay tinuhog ang tatlong sunod na panalo bago ang break ng season-ending tournament. Sa Oct. 7 na babalik ang hostilidad.

Kontra Fuel Masters, 11 of 14 mula sa field si Lastimosa, may 3 assists at 2 steals para itanghal na PBA Press Corps Player of the Week nitong Aug. 11-14. Naungusan niya sina Justin Arana ng Converge at Chris Newsome ng Meralco sa weekly citation ng sporstwriters na regular nagkokober ng PBA beat.

Ang matagal na pamamahinga ng liga ay pagpaparaya sa pagsabak ng Gilas ‘Pinas sa dalawang laro sa 20th FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers second round sa August 28 at 30 sa SM Mall of Asia Arena, at sa Aichi-Nagoya 20th Asian Games sa September 19-October 4. (Vladi Eduarte)