Abante Tonite Interactive

Jerome iniligtas ang driver na agaw-buhay

1,219

Napag-usapan sa social media ang ginawang pagtulong ng “Finding You” lead actor na si Jerome Ponce sa isang grab driver.

Isang netizen kasi na nagngangalang @angel- bangs ang nagbuking kung gaano kabait at ka-generous ang young actor.

Aniya, noong naka- sakay daw siya sa na- turang grab driver, ikinu- wento nito ang kabutihang nagawa ng Kapamilya actor sa kanya kahit hindi niya
tinatanong.

Sey daw ng grab dri-ver, dati niyang amo si Jerome at noong nagipit daw siya ay kusa itong tumulong at nagbigay ng P300,000 para sa kanyang hospitalization.

Dahil sa rebelasyong ito, umani ng papuri ang actor at talaga namang
nadagdagan ang pogi points.

Tinanong namin dito si Jerome at kung siya ang masusunod, ayaw na niyang ibando ito sa publiko.

Nagpaunlak naman siya at nag- bigay ng paliwanag at sinabing ginawa lang niya ang tama dahil nag-50-50 ang buhay ng nasabing grab driver na dating nagtratrabaho sa kanya.

First solo lead ni Jerome ang “Finding You” kung saan ginagam- panan niya ang role ng isang lalakeng may hyperthemesia na hirap mag-move on sa kanyang nakaraan dahil sa

kanyang matalas na memorya. (Archie Liao)