Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jerome naasar sa attitude ni Sachzna

0 529

NI: ROMMEL PLACENTE
IKINUWENTO ni Jerome Ponce kung paano sila unang nagkakilala ni Sachzna Laparan bago nagkarelasyon. Nakatsikahan namin siya sa bahay ng girlfriend.

Sabi ni Jerome, “Una ko siyang nakita sa SNL (Sunday Noontime Live,defunct variety show ng TV5). Naka-ilang weeks na rin yata ako ru’n (SNL, as guest). Tapos,guest din siya. Siyempre kami, bilang regular nang naggi-guest sa SNL, may sarili na kaming upuan. Kinuha niya ‘yung upuan ko. Nag-rehearsal muna kasi ako saglit.Pag-akyat ko, nakita ko may nakaupo na sa upuan ko,nilipat ‘yung mga gamit ko. Nakakumot pa.Tiningnan ko, may kulay pa ‘yung buhok. Sabi ko ru’n sa RM (Road Manager) niya, kasi kilala ko yung RM niya, sino ito? Bakit ganun, kinukuha niya yung upuan ko? Ang pangit ka-vibes. Ang pangit ka-bonding. ‘Ah si Sachzna,’yan.Hindi! Ganyan, ganyan,”sabi nu’ng RM niya.

“Sabi ko, nangunguha ng upuan. Parang diva.Attitude!Tapos maya-maya nag-rehearsal na ulit kami. Nagising na siya. Nagbibihis na. Dinadaan-daanan ko talaga siya, baka magsabi man lang ng hello o sorry, nilipat ko ‘yung gamit mo. Pero wala! Sabi ko, grabe! Sinabi ko sa production na may attitude siya. Pero pinagsisihan ko naman ‘yun.”

After ng insidenteng ‘yun, muling nagkita sina Jerome at Sachzna sa ilang araw na taping ng Sunday Kada (defunct gag show ng TV5). Mainstay kasi ru’n si Jerome, at guest si Sachzna.

Pagkakita sa vlogger-actress, sinabihan daw ni Jerome ang co-stars niya na sina Jobert Austria at Jayson Gainza, na hindi masyadong namamansin at nakikipag-usap si Sachzna.

Singit naman ni Sachzna,”Nag-hi naman ako.”

Dumating naman daw sa puntong nag-uusap na sina Sachzna at Jerome. At sa pag-uusap nila, pinayuhan daw niya ang actress na dapat lagi raw itong nakangiti at nagha-hi sa production staff. Pero ayon naman daw sa girlfriend, ay hindi raw kasi siya ganun. Nahihiya raw kasi siya. At naiintindihan naman daw ni Jerome si Sachzna.

Hanggang sa last day daw ng taping nila,hindi raw nila alam kung paano silang napunta sa heart-to-heart talk ni Sachzna. At ‘yun na nga raw ang simula ng pagiging magkaibigan nila.

Hanggang may naramdaman na raw siya kay Sachzna. Nagpaalam daw siya ermat ng actress na liligawan niya ang dalaga.

May 11 nang sagutin ni Sachzna si Jerome. Ipinanggol din ng binata si Sachzna sa sinasabi ng ilang netizen, na ito ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya kay Mika Reyes.

Sabi ni Jerome, 7 months na raw silang hiwalay ni Mika, nang ligawan niya si Sachzna.

Leave A Reply

Your email address will not be published.