Abante Tonite Interactive

Jerome Ponce binawalan ang GF sa pekpek shorts

994

Aminado si Jerome Ponce na seloso siya pagdating sa kanyang nobyang si Mika Reyes na isang star volleyball player.

Katunayan, very vocal siya sa pagsasabing konserbatibo siya at pinagbabawalan niya itong magsuot ng pekpek shorts.

Sey pa niya, okey lang daw na magsuot ito ng sexy kung may okasyon at kasama siya.

Hirit kasi niya, lahat daw naman ng lalake ay gustong respectable o kagalang-galang ang kanilang mga dyowa sa mata ninuman.

Dagdag pa ni Jerome, may mga pagkakataong nai-insecure rin siya sa mga nagguguwapuhan at nagtatangkarang nakakasa­lamuha ni Mika sa kanyang mundo bilang athlete.

Gayunpaman, naniniwala siyang kahit magkaiba ang kanilang mundo ay magwo-work ang kanilang relationship.

First solo romantic lead role ni Jerome ang “Finding You” kung saan kapareha niya si Jane Oineza.

Mula sa direksyon ni Easy Ferrer, palabas na ang pelikula simula sa Mayo 29. (Archie Liao)