Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jeron pamato ng Alaska Aces

0 94

Mga Laro Biyernes/Hulyo 16:
(Ynares Sports Arena/Pasig City)
11:00am — Opening Ceremonies
12:30pm — Alaska vs Blackwater
3:00pm — Rain or Shine vs NLEX
6::00pm –Meralco vs NorthPort

PAGKATAPOS lumabas ng negative results ng RT-PCR tests ng teams at league personnel, isinunod na isinapubliko ng PBA ang schedule ng Philippine Cup na magpapasimula sa Season 46.

Pagkatapos ng opening ceremonies ng alas-11 ng umaga sa Ynares Sports Arena sa Pasig, bakbakan agad ang Alaska at Blackwater.

Si Jeron Teng pa rin ang pamato ni coach Jeff Cariaso sa Aces, tatasahan sina rookies Ben Adamos at Taylor Browne.

Highest pick ng Alaska ang sentrong si Adamos (6th overall) noong March, kinuha ang guard na si Browne sa second round (16th).

Sa second round na nakapamili ang Bossing, magkasunod na tinawag sa 14th at 15th sina center Rey Mark Acuno at guard Joshua Torralba bago tinapik si high-flyer Andre Paras (27th).

Sasagupain naman nina Kiefer Ravena, Kevin Alas at rookie Calvin Oftana ng NLEX ang veteran core ng Rain or Shine kina Beau Belga, Gabe Norwood, Javee Mocon, James Yap at Rey Nambatac, at new addition Santi Santillan na fifth pick ng Painters.

Sa tampok na laro, balik sina Aaron Black at Chris Newsome kasama si newbie Avlin Pasaol para tasahan si Greg Slaughter at NorthPort.

Nakarekober na mula injuries sina Batang Pier regulars Robert Bolick at Sean Anthony.

Bibinyagan ng NorthPort sina Jamie Malonzo, No. 2 pick overall sa Draft at Troy Rike (11th). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.