Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jerry Yan nagpaboso ng hubad na katawan

0 366

Trending ang timeless heartthrob na si Jerry Yan o mas nakilalang Dao Ming Si sa “Meteor Garden”. Nagkalat ang mga hubad na larawan habang nasa bathtub.

Natunaw muli ang puso ng mga netizen sa eskena sa bagong drama series ng Taiwanese actor-model na “Count Your Lucky Stars” na siya ang bida.

Ang “Count Your Lucky Stars” ay tungkol sa successful at struggling fashion designer na nagkapalit ng kapalaran.

Pinag-usapan ang 30-second scene ni Yan sa premiere episode .Makikita ang borta niyang pangangatawan habang nasa bathtub sa kabila ng kanyang edad na 43. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.