Abante Tonite Interactive

Jersey isasabit na ni Kramer

301

Pagkatapos ng 12 seasons, nagpasiya si Doug Kramer na isabit na ang PBA jersey.

Huling laro na ng 6-foot-5 center/forward noong Biyernes, pinabaunan siya ni Matthew Wright at ng Phoenix ng 120-117 overtime win laban sa Blackwater.

Tinapos ng Fuel Masters ang Governors Cup sa 3-8, sapat para sa 11th place at sinalya ang biktima sa dead-last 12th.

“It wasn’t a spontaneous thing,” pahayag ni Kramer sa mga sportswriters na naghihintay sa kanya sa alley ng Smart Araneta Coliseum.

Noong isang taon pa raw niya naisip mag-retire, aniya ay na-solidify ang plano nitong nakalipas na ilang buwan.

“I wanted to announce it. No. 1, because parang no-bearing na ‘yung game and I wanted the fans to know also that it was my last game. There were some fans that came out and said their goodbyes,” aniya.

Una ay kalmado pa si Kramer, maya-maya ay naging emosyonal din kahit nakangiti.

Kahit 36 na siya, kaya pa raw ng katawan niyang makipagbalyahan. Pero gusto niyang mag-retire na walang iniinda.

“I’m very strong physically, I can still take the banging,” paniniguro ng tubong Baguio City na fifth pick ng Air21 noong 2007 mula Ateneo.
“Parang naging notion na kasi for almost every basketball player, will you wait till something is really painful then you give up? Until puro painkillers na lang? I’m not like that.”

Ano’ng kasunod pagkatapos ng basketball?

Kilala sa social media ang pamilya­ nila bilang Team Kramer, sila ng asawang­ si Cheska at mga anak.

“I will announce in my social media soon what I am planning with my fami­ly. It’s gonna be a nice retirement,” paniniguro ni Kramer. (VE)