Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jersey ni Herro mabenta

0 93

Makalipas makapagtala ng career-high 37 points sa Game 4 ng 74th National Basketball Association 2029-20 Eastern Conference finals nitong Huwebes (Manila time), naging top-selling jersey ngayon ang uniporme ni Miami Heat rookie Tyler Christopher Herro.

“Sports merchandise company Fanatics is reporting that Herro became the top-selling NBA player,” ani David Lang ng Local10.com.

SM food to go Banner Ad

Nanguna ang 20-year-old, 6-foot-5 shooting guard sa scoring ng Heat nitong Game 4 upang madale ng team niya 3-1 lead sa best-of-seven series kontra Boston Celtics.

Isa rin sa pwersa si Herro sa Miami sa postseason games patunay ng average na 16.5 points, 5.7 rebounds at 3.9 assists per game sa likod ng 44.8% shooting.

Gaganapin ang Game 5 ng dalawang koponan sa Sabado ng alas-8:30 nang umaga (Manila time). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.