Abante Tonite Interactive

Jessica, aminado sa pagkukulang

By
25

FROM the time na nakilala namin siya sa Golden Gate Bridge sa San Francisco, California noong 1996 hanggang ngayon ay napakadaling kontakin ng news personality ng GMA 7 na si Jessica Soho.

Noong nagkita kami sa Golden Gate Bridge, siya pa mismo ang lumapit sa amin at nagsabing, “You’re Jun Lalin ‘di ba?! I’m Jessica Soho.”

Sobrang sikat na siya that time, huh?!

Abante Hiring – IT dep

Kapag may kailangan kaming itanong tungkol sa GMA 7 News and Public Affairs, si Jessica ang palagi naming tinanong.

Noong kailangan naming kunin ang panig ng Kapuso Mo, Jessica Soho show dahil sa naisulat namin na imbes na Sweet 16 na kantang pinasikat ni Vilma Santos ang kinanta ng Vilmanian na may Down syndrome, ang Tiny Bubbles na identified kay Nora Aunor ang kinanta nito, tumawag pa sa amin si Jessica.

Inamin ni Jessica ang pagkukulang na ‘yon sa parte ng kanilang show at sinabing hindi nila napansin ang bagay na ‘yon.

Hindi siya nagtangkang magpalusot, huh!

Sabi namin kay Jessica, mas bumilib kami na hindi siya dedma sa mga ganoong bagay at marunong siyang umamin kapag may mali sila.

In fairness, maraming magagandang episodes ang KMJS na dahilan kaya patuloy silang namamayagpag sa ratings.

***

Nang nasa Hong Kong kami, may mga Pinoy na nakatsikahan namin na nagsabing galing doon si Korina Sanchez at nag-taping ng ilang segments para sa Rated K.

Papunta rin daw sa Amerika si Korina para mag-taping doon ng ilang segments ng kanyang show.

Kahit sinasabing mas sinusuportahan ng viewers ang KMJS ni Jessica, still, hindi nagsasawa si Korina na mapaganda ang kanyang show kahit magpunta pa siya ng ibang bansa para mag-shoot ng ilang segments.

***

Kung sa telebisyon ay wala na tayong napapanood na showbiz talk show (‘yung Tonight with Boy Abunda kasi ay hindi na talaga showbiz talk show na katulad ng ibang showbiz talk show noong araw), sa radyo eh namamayagpag ang showbiz talk programs.

Sa Sabado, mapapasama sa listahan ng showbiz radio programs ang Level Up: Showbiz Saturdate with Noel Ferrer & Co. ng kapwa namin kolumnista rito sa TONITE na si Noel Ferrer.

Mapapakinggan ‘yon sa Radyo Inquirer 990khz nang 7:30-10:00 PM.

Nagkaroon na ng showbiz talk program si Noel sa ibang radio network at marami ang nagtatanong sa kanya kung kailan siya babalik sa radyo, kaya heto at magpa-pilot na sa Sabado ang Level Up: Showbiz Saturdate.

***

Kris Bernal
Kris Bernal

Mahirap at mabusisi ang taping ng Impostora dahil dalawa ang characters ni Kris Bernal, sina Rosette at Nimfa.

Paulit-ulit na kinukunan ang mga eksenang magkasama ang dalawang character.

Bilib kay Kris ang kanyang co-stars lalo na si Assunta de Rossi dahil never nag-tantrums si Kris kahit sa maghapon at magdamagang tapings nila ay kasama ito sa halos lahat ng mga eksena.

“The other day, dalawang sequences lang ang hindi siya kasama, ‘tapos ang hirap pa kapag magkaeksena na ‘yung dalawang characters niya.

“Paulit-ulit na kinukunan ‘yung eksena, mabuti na lang ‘yung double ni Kris, umaarte rin. Maga­ling ding umarte, kaya mas madali kahit paano.

“Imagine, kung basta double lang ‘yon at hindi marunong umarte, mas tatagal ang eksena,” kuwento ni Assunta.

Mataas ang ratings ng Impostora lalo na at may mga eksenang nag-aaway ang dalawang character ni Kris, kaya hindi maiwasang maraming mga eksena na naghaharap sina Rosette at Nimfa.