Abante Tonite Interactive

Jessica, Mutya ng Arizona

By
568

May karapatang maging isang beauty queen at sambahin ang kanyang kagandahan dahil taglay niya ang katangian ng isang tunay na reyna.

Si Jessica Duhay, candidate No. 20 sa gaganaping Mutya ng Pilipinas 2018 sa MOA Arena ngayong Linggo, ay angat sa kanyang mga katunggali.

Sa edad nitong 19 years old, may height siyang 5’9”, ba­lingkinitang katawan, morenang kulay, dugo ng Pinoy mula sa kanyang Pilipino natural born parents na nag-migrate lang sa Amerika, at higit sa lahat ay matalino, ismarte at proud sa kanyang lahi.

Bagama’t ipinanganak sa New Jersey at kasaluku­yang naninirahan sa San Diego, kung saan siya magiging upcoming sophomore sa ninanais nitong kursong Psychology, ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging isang Pinay.

Katunayan, sa Amerika, ibinandera na ni Jessica ang ‘Pinas sa mga pagwawagi niya sa mga beauty pageant gaya ng Miss North Hollywood Teen at Miss West Coast Teen, at iba pa.

Bilib din siya sa mga tourist spot ng ‘Pinas gaya ng Boracay at Palawan, na iniendorso pa niya sa kanyang mga kaibigan at kapwa Pilipino.

Sa panayam namin kay Jessica, nasubukan namin ang lawak ng kanyang kaalaman at pang-unawa sa mga issue tulad ng transgender sa mga beauty pageant.

Komento niya rito, “What I have to say is I’m all about freedom. Freedom of choice, freedom of speech and the rules of the pageant, in 2012 actually made that a transgender can compete. So, I think it’s ok for he to compete just because it sets says in the rules and a lot of people say that, it’s not fair because she’s not born as woman but she is a woman now and that fits in the rules and the requirements, it’s ok.”

Ang isyu ng mental health condition ang advocacy ni Jessica, na napapanahon ngayon sa mga millennial at mature individual dahil sa sunod-sunod na kaso ng depression at suicide.

Hindi itinangging nagdaan sa depression si Jessica at kinakailangan niyang sumailalim sa therapy para ma-overcome ito.

Aniya, sa gaya niyang nagdaan dito, mas mabuting maibahagi sa lahat kung paano mapaglalaban at malalagpasan ang depression.

Kung ang ibang kandidata sa mga pageant ay stressed at pressured sa pageant, napapanatili ni Jessica ang pagiging relaxed, poised at bilis mag-isip sa anumang tanong sa kanya.

Hindi basehan ang edad ng isang kandidata para maputungan ito ng korona, kundi sa personalidad nito, laman ng kanyang pag-iisip at malasakit sa kanyang kapwa…at ‘yan si Jessica Duhay, ang kandidatang kinatawan ng Pilipino community mula sa Arizona.