Abante Tonite Interactive

Jessica Simpson, Natalie Portman nag-away sa ‘virginity’

By
0 224

Dahil sa isyung virginity nagkaroon ng hidwaan ang dalawang actress na sina Jessica Simpson at Natalie Portman.

Hindi nagustuhan ni Simpson ang isinawalat ni Portman nang interbyuhin ng USA Today para mag-promote ng kanyang latest movie ang Vox Lux. Nabanggit ni Portman ang pangalan ni Simpson na siyang hindi nagustuhan ng huli. Naging viral sa social media ang sinabi ng actress.

Saad ng Vox Lux actress: “I remember being a teenager, and there was Jessica Simpson on the cover of a magazine saying ‘I’m a virgin’ while wearing a bikini, and I was confused. Like, I don’t know what this is trying to tell me as a woman, as a girl.”

Si Simpson ay isang teen-pop sensation nu’ng late 90s hanggang early 2000s. Dismayado umano ito sa tinuran ni Portman.

“@Natalieportman I was disappoin­ted this morning when I read that I ‘confused’ you by wearing a bikini in a published photo taken of me when I was still a virgin in 1999.”

Dugtong pa ni Simpson na bilang pareho silang public figure, wika niya, “we both know our image is not totally in our control at all times, and that the industry we work in often tries to define us and box us in.”

Sambit pa ni Simpson na alam niya paano magpakatotoo at igalang ang kani-kanyang paraan ng pagpapahayag ng sarili na siya aniyang kanyang pinaniniwalaan hanggang ngayon. Kaya ang pagsusuot ng bikini ay dapat ipagmalaki kung ang katawan naman daw ay talagang kasabik-sabik ang kaseksihan.’Di raw ibig sabihin nu’n na kapag nagsuot ng bikini ay hindi na “birhen.”

“I have always embraced being a role model to all women to let them know that they can look however they want, wear whatever they want and have sex or not have sex with whomever they want,” ayon pa kay Simpson. “The power lies within us as individuals.”
Hindi raw siya nahihiya sa kapwa niya babae sa kanyang choices. “In this era of Times Up and the great work you have done for women, I encourage you to do the same.”

Samantala, pinagtanggol naman si Portman ng kanyang followers.

Kung babasahin lang daw ni Simpson between the lines ang sinabi ng kanilang idolo hindi raw nito kini-criticize ang aktres sa pagsusuot ng bikini. Na-confuse lang daw siguro si Simpson sa double standards ng pop star na expected sa kasalukuyang virginal at hypersexual.

Humingi siya ng sorry si Natalie kung nasaktan daw niya ang damdamin ng actress.