Abante Tonite Interactive

Jessy bawal hawakan sa baywang

915

tonite-imo-vinia-vivar

Nagbigay ng rule si Jessy Mendiola sa mga lalaking nagpapa-picture sa kanya na huwag na raw hawakan pa ang kanyang baywang.

“Hello male friends,” ang post niya sa kanyang Instagram Story, “next time you ask for a picture, please do not touch my waist without my permission. It’s inappropriate.”

Hindi na nagdetalye pa ang aktres kung ano ang nagbunsod sa kanya para mag-post ng ganito, but marahil nga ay may mga experience siya sa mga la­laking nananansing sa kanya kapag nagpapa-picture.

Bukod dito, sinagot din ni Jessy ang isang basher niya sa IG na nagkomento sa kanyang bikini photo na maghinay-hinay lang sa paghuhubad dahil nakakasawa na raw.

“Ateng Wala knang ginawa kundi mghubad hinahinay Lang nakakasawa na,” ang komento ng netizen.

Simple lang ang sagot ni Jessy sa basher. Aniya, “Unfollow ka nalang, madali lang yun!!”

Oo nga naman.

Kyline, Therese bagong Nora, Vilma

Labanan ng acting ang deskripsyon ng Kapuso star na si Kyline Alcantara sa upcoming drama series niya sa GMA-7, ang Kidnap with Therese Malvar na aniya ay isang award-winning actress.

“‘Yung PR (material) nga po namin is parang Nora Aunor and Vilma Santos,” ani Kyline nang makatsikahan namin kahapon sa press launch niya as the new Ambassadress of Simply Gorgeous (Simply G for short) Hair and Skin Care.

Sino ang Nora?

“Si Therese po, ako po si Vilma,” sambit niyang natatawa.

Well, hindi lang naman si Therese ang award-winner kundi siya rin dahil sunod-sunod ang mga parangal niya lately, latest of which ay Best Supporting Actress sa katatapos lang na 32nd PMPC Star Awards for TV para sa Kambal Karibal at sa kauna-unahang Asian Aca­demy Creative Awards (AAAs) sa parehong kategorya at palabas.

When asked kung hindi ba siya nai-intimidate kay Therese sa pagiging award-winning actress nito at ani Kyline ay hindi naman daw.

“Kasi, ako po talaga, I don’t compete with anyone. I just compete with myself, like with my past work, ‘yun lang po talaga ‘yung parang. . .gusto kong makipagkumpetensiya pero hindi sa mga kapwa-artista.

“Kung baga ako, ginagawa ko lang ang trabaho ko at ginagawa ko lang kung ano ang gusto ko. Gagalingan ko na lang,” natatawa niyang sey.

Samantala, happy si Kyline na siya ang napiling endorser ng Simply G. Tinanong nga namin kung pang-ilang endorsement na niya ito at aniya ay hindi na raw niya matandaan which means, marami na.

“Siyempre po, I feel so honored kasi po pinagkakatiwalaan na nila ako parang maging Ambassadress ng kanilang pro­duct,” sey niya.

Sa kahit anon’g endorsement daw na tinatanggap niya ay sinusubok niya muna ang produkto tulad nga nitong Simply G.

“Hindi natin kailangang i-fool, ayokong mang-fool ng mga Sunflowers (tawag sa fans ni Kyline) na sumusuporta sa akin at siyempre sa lahat ng sumusuporta,” she said.

And guess what, ang anak ng may-ari ng Simply G ay isa ring palang Sunflower kaya naman sobrang saya ng young actress.

“Na-meet ko po siya nun’g nag-meeting kami. Nanonood daw po siya ng mga palabas ko and sobrang saya ko po. Kaya pala parang magka-wave length kami kasi Sunflower ko pala siya,” masaya pang wika ni Kyline.