Abante Tonite Interactive

Jessy binakuran ni Luis

5,012

Pagdating sa pagpapa-sexy sa social media todo ang suporta ni Luis Manzano sa kanyang kasintahang si Jessy Mendiola.

Nag-post si Jessy ng kanyang lara­wan sa Instagram suot ang isang two-piece bikini na may caption na, “when @luckymanzano says no filter then no filter.”

Ipinagmamalaki nga ni Luis si Jessy sa social media at sinabing marami na naman ang maiinggit sa kaseksihan ng girlfriend kahit na nga kinunan ang larawan nang walang filter.

@luismanzano,”#meronparingmagsasabingediteddahilpunonginggitangkatawan.”

Tunay namang nakaka­bilib ang kaseksihan ni Jessy sa larawang ito. Nagsabog ang Diyos ng magandang kurba na animo’y coca-cola, nasalo na yatang lahat ito ni Jessy.

Pumayat na nga nang todo si Jessy sa pigura niya. Banat na banat ang kanyang abs sa physique niyang ito. Kaya nga binabakuran na nang todo ni Luis si Jessy para hindi na ito maagaw pa ng iba.

Anyway, isa sa mga labis na humanga sa kaseksihan ni Jessy ay ang singer na si Jessa Zaragoza na napatili sa kanyang comment.

Tinawag pang Goddess ni Jessa si Jessy, “Jessy! @senorita_jessy Grabe ka na ahhh!!! Sumusobra ka na talaga!!!! Hay! #GODDESS”.