Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy binuking si Luis

0 727

NI: ARCHIE LIAO

Kilala sa pagiging matulungin at mababa ang loob ng TV host-actor na si Luis Manzano.

Kahit sa programa niya noong “I Can You See Your Voice,” marami siyang natulungang contestants na iyong iba ay nabigyan niya ng scholarship, financial assistance para sa maysakit o para sa renovation ng bahay.

Noong i-anunsyo ng Mababang Kapulungan ang denial ng prangkisa ng Dos, isa si Luis sa mga nalungkot.

Hindi man siya sumali sa mga rallies o protests, suportado niya ang network sa mga pagsubok na pinagdadaanan nito.

Kaya naman nang malaman niyang nag-retrench ang Dos ng maraming empleyado, isa siya sa naalarma.

Related Posts

Negosyante rin si Luis dahil may taxi business siya pero naapektuhan din ito dahil sa pandemya.

Pero sa kabila ng lahat, hindi nawala ang kanyang kagustuhang makatulong.

Saksi rito ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na super proud sa pagiging generous ng kanyang boyfie.

Hindi ito ibrinodcast ni Luis sa kanyang social media account kaya naman bilang pagpupugay sa kanyang nobyo, siya na mismo ang nagbalita nito.

Sa post niya ng larawan ni Luis sa kanyang IG account, ito ang mahabang caption:

“This man has been working the phone for the past 3 days. Meron siyang ginawang job fair group kasama ang iba niyang kaibigan para mailipat at makatulong sa ibang Kapamilya employees na nawalan ng trabaho. Alam ko na hindi ko dapat ito i-post. Pero, sobrang proud ako sa iyo, love. You’ve been putting others first before yourself. Ang pinakaunang reaksyon mo noong nahatulang ng denial ng franchise renewal “paano iyong staff ko?” (Meaning paano raw ang mga staff niya sa shows niya). Hindi ka nagpo-post about it kaya ako na lang. Sinasabi ng iba , tahimik ka lang daw sa kasagsagan ng nangyayari. Ang hindi nila alam… gumagalaw ka na pala sa mga nawalan ng trabaho. Hindi man lahat matutulungan mo, ang importante ginagawa mo ang lahat sa abot ng makakaya mo. Sobrang buti ng puso mo. Sobrang thankful namin sa iyo. Maraming salamat @luckymanzano. Mahal na mahal ka namin.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.