Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy duda na pakakasalan ni Luis

0 200

Inamin ni Jessy Mendiola na minsan ay nagkakaroon siya ng trust issues sa boyfriend na si Luis Manzano at nagdududa kung totoo bang pakakasalan siya nito.

Sinabi ito ni Jessy sa Heart to Heart Talk with the Howshows na in-upload ng aktres sa kanyang YouTube vlog kung saan ay nag-interbyuhan silang magdyowa.

Tinanong kasi ni Luis si Jessy kung mayroon ba siyang sinabi na hindi nito pinaniwalaan or nagduda ito nang kaunti.

“Na papakasalan mo ako,” sagot ni Jessy.

Singit naman ni Luis, “hindi naman kaduda-duda ‘yun. Hindi, pwede siyang pagdudahan pero ‘antayin na lang.”

Sey naman ni Jessy, “siyempre, kasi maraming mga detractors.”

Hirit ulit ni Luis na tila naaasar, “hindi naman sila imbitado. Makikikain ba sila? Maghahanda ba ako ng pansit para sa kanila?”

Paliwanag naman ni Jessy, siyempre, minsan ay dumadating din sa point na iniisip niya rin kung totoo ba ang sinasabi ni Luis na papakasalan siya.

“Dadating talaga sa point na “will that ever happen kaya?”, “totoo kaya ‘yung sinasabi niya?” Kasi siyempre, lahat naman tayo, may trust issues din, susuntok tayong kaunti ng doubts, alam mo ‘yun? It’s a normal thing.”

Makikita sa reaksyon ni Luis na hindi siya natutuwa sa sinasabi ni Jessy at tila na-upset siya talaga.
@@@
Mendiola na-hurt sa ahas kay Angel

SM food to go Banner Ad

Isa pang tanong ni Luis kay Jessy kung saan siya pinakana-offend sa lahat ng mga negative comments online at ayon sa aktres, ito ‘yung time na tinatawag siyang ahas at third party.

Hindi man niya binanggit kung sino, open book naman na bago naging sila ni Luis ay girlfriend ng TV host si Angel Locsin kaya inakala ng lahat na inagaw niya ito sa aktres.

Nasaktan daw siya dahil hindi naman daw totoo.

“Actually, sinasabi kasi di ba ng iba na ‘dapat, di ka nasasaktan kasi hindi totoo’ but it’s more of like mas masakit kasi nga, hindi totoo, alam mo ‘yun?” ani Jessy.

Nao-offend din daw siya before kapag sinasabi ng mga tao na iiwanan din siya ni Luis at hindi raw totoong pakakasalan siya.

“Nao-offend ako for you, I know you don’t get offended because it’s not true,” sey ni Jessy kay Luis.

Pero ngayon daw ay hindi na ganito ang attitude niya at tingin daw niya ay wala nang bagay or komento pa na makaka-offend sa kanya.

“Parang nasa disposition na ako ng life ko na parang rainbows and butterflies na kahit ano ang sabihin mo, okay lang,” she said.

Sa huli ay sinabi ni Jessy na looking forward daw siya sa araw na finally ay makapag-settle down na sila ng kanyang howhow (tawagan nila ni Luis).

“I can’t wait for the day na siyempre, when everything’s normal and finally, naabot na natin ‘yung mga personal dreams and goals natin as individuals, ‘yung we would settle down by the beach and live there with our family,” sabi ni Jessy.

Ayon naman kay Luis ay ‘yun ang simpleng pangarap nila ni Jessy, na mamuhay nang simple lang sa may tabing-dagat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.