Abante Tonite Interactive

Jessy, Geoff, Hiro biktima ng fat memo

By
1,116

Dumaan sa depresyon si Jessy Mendiola  nang padalhan daw siya ng ABS-CBN management ng fat memo.
Actually, hindi na bago ang memo sa pagtaba ng mga artista ng Dos at GMA 7. Kahit sina Geoff Eigenmann, Hiro Peralta (leading man ni Kris Bernal sa “Little Nanay”) ay naging biktima rin ng fat memo.
Actually, nagsisilbing warning ‘yun na hindi sila bibigyan ng proyekto hangga’t hindi nagbabawas ng timbang.
Marami na raw kasi nakapansin na lumolobo na noon ang sexy actress at hindi na magandang tingnan sa screen.
Ito ang dahilan kaya wala siyang masyadong pro­ject sa ABS-CBN bukod sa paggi-guest sa “FPJ’s Ang  Probinsyano.”
Ang akala raw ni Jessy na kahit lumaki  ang kanyang timbang  ay tuloy ang mga proyekto. Pero bahagi pala ng trabaho niya ay ma-maintain ang seksi niyang pigura.
Pero sa bago niyang bikini photo na naka-post sa Instagram mukhang bumalik na ang kanyang kaseksihan.
Si Geoff ay lumipat na rin sa Kapamilya at hu­ling napanood sa “Los Bastardos.” Si Hiro naman ay nagtatago.
Bubulaga na lang daw ito ‘pag pumayat at ready na siyang magtrabaho ulit.