Abante Tonite Interactive

Jessy huling babae ni Luis

1,205

BEST gifts ang description ni Luis Manzano sa Christmas gatherings niya sa pamilya ng ina sa Recto side at sa pamilya ng ama na si Edu at sa family rin ng kasinta­hang si Jessy Mendiola.

Parehong pinunta­han ni Luis ang Christmas gatherings ng family niya (Cong. Vilma Santos, brother Ryan Christian, Tita Emelyn at iba pa), at ang get-together naman sa pamilya ni Jessy (Mommy, brother, sister) at sa Manzano (Daddy Edu, sister at dalawa pa sa photo).

Biggest blessings para kay Luis ang pagkakataong ito na makasalumuha ang lahat ng mga taong importante sa kanyang buhay.

May kuha si Luis kasama sina Jessy at ang kanyang Mommy Vilma. May photo rin ito na kasama ang buong pamilya niya sa Recto side with Ate Vi, Ryan Christian at iba pang member ng Santos family. Wala nga lang sa photo si Sen. Ralph Recto.

Makikita naman na nasa isang sofa sina Luis, Jessy, ang ina nito, kapatid na babae at isang lalake. Tila kuha sa bahay ni Edu ang photo op nila ng kanyang buong pamilya with Luis at Jessy.

Sa huli ng photo posting gallery ni Luis may photo silang da­lawa ni Jessy. Umaasa ang fans ni Luis na si Jessy na ang huling babaeng ilalapit niya sa pamilya at makakasama sa tuwing me­ron silang Christmas gathering­.

At sa himig ng pa­nanalita naman ni Luis, si Jessy na talaga ang huling babae sa buhay niya. Ang akala ng iba noon ay si Angel Locsin na ang last, pero mali nga ang lahat.