Abante Tonite Interactive

Jessy inaayawan kay Echo

By
5,208

Ipinagtanggol ni Jericho Rosales ang leading lady niya sa pelikulang ‘The Girl in the Orange Dress’ na si Jessy Mendiola sa mga basher ng aktres.

Nag-post si Echo sa kanyang Instagram ng promotional photo nila ni Jessy para sa nasabing pelikula na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival under Quantum Films.

May mga ilang nag-comment ng pagkadisgusto nila kay Jessy bilang leading lady ng aktor.

Komento ng isa, “Malamang ito lang ang diko papanuoring movie mo @jerichorosalesofficial i dont Like jessy im@sorry.”

Bilang depensa sa leading lady ay sumagot si Echo.

“Wag po tayo magsalita ng tapos 🙂 maganda story. Baka may mapulot ka 🙂 but thank you,” ang reply ni Echo.
May nag-comment din na sayang daw ang pelikula at tanong niya, “why Jessy?”

Sinagot ito ni Jericho ng “why not? She’s perfect for the role?”

Ang dami pang mga nega comment kaming nabasa sa thread at kami man ay nagtataka kung bakit nga hindi nila gusto si Jessy for Echo.

Comment pa ng isang fan ng aktor, “me too, skip muna din ako sa new movie mo echo, gustohin ko man for the sake of echo but this time hindi ko kayang panuorin if c jessy, ok lang kahit sino but not her, nanghihinayang lang talaga ako.”

Pero hindi naman lahat ay mga negative comment dahil marami rin namang nagsabing susuportahan pa rin nila ang movie kahit sino ang leading lady ng kanilang idolo.
***

Komedyana mukhang pera

Ayon kay Kakai Bautista, ilang beses daw niyang pinag-isipan bago niya tinanggap ang offer ng Cineko Productions para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Ahron Villena dahil nga nagkaroon sila ng issue before kung saan ay naakusahang pa-fall ang aktor habang siya naman ay napagbinta­ngang assumera.

“Pinost ko nga sa Instagram na ilang beses kong pinag-isipan bago ako umoo sa project na ‘to, kasi nga sobrang natatakot ako kasi alam n’yo naman, sikat na sikat ako sa mga pangba-bash, ganyan and everything lalo na pag tungkol sa aming da­lawa,” sabi ni Kakai kahapon sa mediacon ng ‘Harry and Patty’.

Talagang humingi pa raw siya ng guidance kay Lord kung ano ba ang dapat niyang gawin.

“Tapos, naisip ko, kaila­ngan kong mag-ipon ng pera kasi mayroon akong bibilhin. Maa-achieve ko rin ‘yun in time, in God’s perfect time.

“Naisip ko ‘yun, so sabi ko, ‘di bale na lang, kahit anon’g sabihin ng mga tao, keri na ‘to, go-go ko na ‘to’.”

That time naman din daw ay okay na sila ni Ahron at nag-uusap na sila. Pero talagang hindi naman daw maiwasan na natakot siyang ma-bash ulit.

“Kasi siyempre, tao ka lang naman, nasaktan ka na dati sa mga sinasabi ng iba saka sa opinyon ng iba, ‘di ba? Siyempre, hindi ka naman bato, eh, para hindi masaktan.

“Saka talaga namang lahat ng artista dumarating sa ganun’g mga “oh my God, eto na naman.” So, naunahan ako ng fear ko.

“Pero nun’g maisip ko, ‘ay, matutupad ko ang isang pangarap ko para sa pamilya ko,’ eh di go na,” sey pa ni Kakai.
Diretso pa niyang sambit, “mukha akong pera, go!”

At ang isang importante naman daw dito ay okay na sila ni Ahron. Bagama’t hindi raw naging madali ang proseso dahil para raw talaga silang aso’t pusa dati.

“In fairness, nag-effort naman siya, sa maniwala kayo at sa hindi. So, thankful din naman talaga ako na binigay sa amin ‘to ng mga producers,” sey pa ng komedyana.

Ayon sa producer at sa writer ng ‘Harry & Patty’, wala silang naiisip na ibang artistang puwedeng gumanap sa karakter na Harry at Patty kundi sina Ahron at Kakai lang at tailor-made raw sa mga ito ang role.

Mula sa direksyon ni Julius Ruslin Alfonso na siya ring nagdirek ng award-winning film na ‘Deadma Walking’, showing na sa August 1 ang ‘Harry & Patty’.