Abante Tonite Interactive

Jessy inakalang mamamatay

By
2,675

Muntik nang manga­nib ang buhay ni Jessy Mendiola last Wednesday nang maaksi­dente ang kan­­yang kotseng sinasakyan. Sa Instagram story ng aktres ay ibi­nahagi niya sa kanyang mga follower ang nangyari at aniya, akala raw niya ay mamamatay na siya.

“My d­river dozed off while at the wheel and lost control, my van hit a barrier and we swayed from left to right for a bit before my driver got control of the steering wheel again. I honestly thought I was going to die,” ang kwento ni Jessy sa IG.

Bale ba, ang parteng nabangga ay sa side niya kaya ‘yun daw talaga ang ikinatakot niya.

Abante Hiring – IT dep

“The scariest part was the side that got hit was where I was sitting, maybe that was why I was the one who woke up first,” pahayag pa ng aktres. Kaya laking pasasa­lamat daw niya na wala namang nangyaring masama sa kanya.

“I’m very thankful nothing happened to me and no other vehicles went against us.

“I didn’t wish for this experience but it made me appreciate more, I thank God for waking me up before things got worse…”

In fairness, naiintin­dihan naman daw niya ang kanyang driver at hindi raw siya nagalit dito dahil alam niyang pagod din ito.

Sa huli ay nagbigay siya ng payo sa mga motorista lalo na sa nagda-drive ng long hours.

“My advice to drivers­ or to anyone who’s driving­ long hours, when you’re feeling sleepy or tired please stop and take a quick nap. You are responsible for the lives of the people riding with you.”

Kapatid ni Matteo boto kay Sarah

Nakakatuwa na suportadong-suportado at botong-boto ang mga kapatid ni Matteo Guidicelli sa girlfriend nitong si Sarah Geronimo. Nakausap ng mga host ng Magandang Buhay ang dalawa sa mga ito na sina Paolo at Georgia nang magtu­ngo ang programa sa Cebu kung saan din naka-base ang pamilya ng actor.

Napag-usapan nga nila ang nangyaring breakdown ni Sarah sa Las Vegas concert nito kung saan ay nag-post pa si Georgia ng encouraging words.

“It’s always important to look forward to stuff in life because you know sometimes you might be busy and you might think there’s no end in the road of your business. So, it’s important to look forward to stuff and see that there’s sunshine after all your hard work,” ang pahayag ni Georgia.

Dagdag pa niya, “I always remind her and my brother that you know your profession does not define you, your work doesn’t define you. You are you because you like to eat. You are you because you like to joke around. You know you are you because you like to have fun and go out. But not like you know, you being a superstar is not who you should be defined by.”