Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy inismol

0 51

Hindi lang pala si Regine Velasquez ang may bad experience sa mga luxury store sa abroad kungdi maging si Jessy Mendiola rin.

Kwento niya sa kanyang latest YouTube vlog, twice na raw siyang nagkaroon ng hindi magandang experience sa Chanel store.

“This happened mga 3 yrs. ago or 4 yrs. ago. Twice na siya nangyari sa akin. First time was in Europe, Paris, 2nd time was in Taiwan recently, mga 2 yrs. ago lang.

“The one in Europe, I went in sa isang Chanel store and I asked about the classic Chanel Flap. First time kong magkakaroon ng Chanel Flap, so sobrang excited ako,” tsika ni Jessy.

Sey pa niya, nag-ipon daw siya talaga para makabili ng nasabing mamahaling bag. Pero pagpasok daw niya ay napahiya lang daw siya.

“Nawawalan ako ng loob every time na nagpa-price increase sila tapos hindi ko na maabot ‘yung bag na gusto ko kasi pamahal na siya nang pamahal.

“So nu’ng time na meron na akong chance makabili kasi nakapag-ipon na ako, I went to a Chanel store, pumasok ako tapos nagtanong ako sa isang sales associate if may mga available na mga classic Flap bags.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tiningnan niya ako from head to toe, tapos hindi niya ako pinansin. Medyo napahiya ako. Ginawa ko na lang, umalis na lang ako,” lahad ni Jessy.

“Kasi siyempre, ‘di ba, bakit ka pa pupunta doon? Bakit ka pa bibili ng bag kung gaganun lang din naman. Bibili naman ako,” sey pa niya.

Sa Taiwan naman, bibili raw siya sana ng wallet and sunglasses sa Chanel store.

“Ipinapakita ko sa isang sales associate sa Chanel sa Taiwan, ipinakita ko ‘yung pictures ng gusto ko tapos hindi man lang niya tiningnan ‘yung phone ko. Tapos dinaan-daanan lang niya ako, wala namang tao nu’n,” pagre-recall ng aktres.

“’Yun, medyo na-traumatize na ako. I try, sometimes I try, but ‘yun nga, hindi na ako nagpupumilit,” she said.

Kaya ngayon, pag gusto raw niya ng luxury bag ay bumibili na lang siya online. Sa video ay nag-unbox nga si Jessy ng kanyang bagong-dating na Chanel bag na binili niya online.

Matatandaang naranasan din ni Regine ang pang-iisnab sa Louis Vuitton store naman sa New York at ikinuwento niya rin sa kanyang YT vlog ang masamang karanasan

Leave A Reply

Your email address will not be published.