Abante Tonite Interactive

Jessy, Julia anaconda sisters?

776

Patuloy pa rin ang bashing na natatanggap ni Jessy Mendiola kaugnay ng pagsuporta niya kay Julia Barretto sa kontrobersyal tweets nito sa kabila ng ‘negang-nega’ na imahen nito.

Sey nga ng mga netizen, deserved daw nila ang isa’t isa dahil pareho raw silang nasa listahan umano ng most hated Pinoy celebrities sa kasalukuyan.
Tinawag pa ng isang basher na “anaconda sisters” ang dalawa dahil nasasangkot umano silang nanunulot ng boyfriend.

Hamon naman ng isa, puwede raw silang mag-audition bilang Valentina o babaeng ahas sa Darna.

Abante Hiring – IT dep

Sa kabila ng mga banat sa kanya, dedma naman si Jessy sa kanyang mga basher.

Matatandaang na­ging kontrobersyal si Jessy dahil pinarata­ngang siya umano ang naging third party sa hiwalayang Luis Manzano at Angel Locsin.

Pero nagtatanggol naman na tapos na ang relasyon nina Luis at Angel nang pumasok sa eksena si Jessy. (Archie Liao)