Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy kinasabikan sa bikini

0 319

NI:VINIA VIVAR

Jessy Mendiola turned 29 last Dec. 3 .Sa Boracay nila ito ipinagdiwang ng asawang si Luis Manzano.

Sa kanyang mga Instagram post ay makikitang inirampa ni Jessy ang kanyang mga swim wear OOTDs na matagal na ring inaabangan ng kanyang mga fan.

Halatang na-miss nga ng kanyang mga followers ang mga bikini photos niya dahil umani talaga ng katakot-takot na likes ang mga post.

On the day of her birthday ay black swimsuit ang OOTD ni Jessy base na rin sa kanyang post.

Kahapon naman ay naka-white swimsuit siya habang nasa jacuzzi looking so gorgeus .Pati si Luis ay napa-comment ng “AYUN” with matching fire and heart emojis.

Ito ang first birthday celebration ni Jessy na may asawa na siya.Matatandaang ikinasal sila ni Luis last April.

Samantala, bukod sa beach celebration ay nag-post din ng pagbati si Luis sa kanyang wifey.

“Happy birthday to the young lady who has my ❤️, i always wish and pray for the best for you! May this be your best year and may everything fall into place 😘 i howhow you @senorita_jessy!” ang birthday message ni Luis sa asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.