Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy, Luis kasal na

0 593

Nag-isang dibdib na ang celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Sa Youtube video ni Jessy na may title na ‘OUR INTIMATE WEDDING’, binahagi ng dalawa ang eksena sa kanilang kasal na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan at kamag-anak.

Present sa kasalanan ang mga parent ni Luis na sina Edu Manzano at Cong. Vilma Santos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“As we take this step today, I want to promise you that I will love you each day that comes, even those days na pareho tayong hindi kamahal-mahal,” parte ng vow ni Luis.

Napuno ng emosyon ang kasalan nang palakad na si Jessy kay Luis, kung saan hindi napigilan ng TV host na mapaiyak.

Engaged ang dalawa noong December 2020, kung saan binahagi rin ng dalawa ang kanilang engagement sa isang vlog. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.