Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy, Luis kinasasabikan ang baby

0 369

NI: ALWIN IGNACIO

Ano nga ba ang susunod na kaabang-abang na kaganapan para kina Mr. Luis Philippe at Mrs. Jessica Tawile-Manzano (Jessy Mendiola)? Opisyal na nilang ipinahayag na mag-asawa na sila sa harap ng Diyos at saksi rito ang kanilang mga mahal sa buhay.

Siyempre naman, ibalato na natin sa kanila ang mga kaganapan sa kanilang pulot-gata dahil sagrado ang mga kaganapang iyon para sa mag-asawa.

Ang kinasasabikan siyempre pa sa kanilang quest to go forth and multiply ay ang blessing of a baby Manzano.

Bukas na aklat naman ang mga pahayag ni Vilma Santos, at tiyak sumasang-ayon rito si Edu Manzano, ang biological parents ni master Luis na talagang hindi lang sabik, kundi atat na atat na silang magkaapo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang tanong, mamadaliin ba nina Luis at Jessica ang kanilang date with the stork? O mas i-enjoyin muna nila ang kanilang honeymoon phase na silang dalawa muna?

Of course, the married relatively young Manzanos a healthy baby ang kanilang goal. Kung ano ang magiging gender assignment nito, malalaman nila in time.

Hihingi kaya si Luis ng mga tip sa kanyang Daddy Yo Doods kung paano makabuo ng isang sanggol na lalaki? Dalawa kasi silang anak na lalaki ni Papa Eduardo? O mas gugustuhin ng showbiz coupling na ang gender assignment of their panganay ay babae?

Whatever is the case, babae o lalaki man ang kanilang magiging supling, tiyak na bundle of joy ito para sa kanilang pamilya. Magkakaalaman na kung sino ang mas spoiler, si Ate Vi ba or si Kuya Doods? At papayag kayang magpatawag ang Star for All Seasons ng lola at mahusay na character actor na lolo sa paparating nilang apo to be?

Kaabang-abang talaga ang susunod na kabanatang ito para sa bagong kasal na sina Luis at Jessy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.