Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy, Luis nagkapikunan sa ex

0 367

NI: VINIA VIVAR

Nagkaroon ng bonggang pagtatalo ang engaged showbiz couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kanilang “Jojowain o Totropahin Challenge” video na latest YouTube vlog ng aktres.

Ewan kung seryoso si Luis o umaarte lang, pero makikitang napikon siya sa tila pagna-nag ni Jessy sa kanya tungkol sa ex-girlfriend.

Kasama kasi sa list ang ex ni Luis na hindi na ipinarinig sa video kung sino (naka-mute ang part na sinasabi ni Jessy ang name ng girl).

Tanong ni Luis, “sasagutin ko ba talaga ‘yan?”

Balik-tanong naman ni Jessy, “eh di ba, ex mo ‘to?”

Pangungulit pa ng aktres, “so, ano nga, jojowain o totropahin?”

Sagot ni Luis, “Eh naging jowa nga! Eh si siyempre ‘yun na rin ‘yun. Paano ko totropahin ‘yung kung naging jowa ko nga? Hindi nga maganda ‘yung break-up!”

Hirit naman ni Jessy, “akala ko ba ex mo, eh di bakit mo pa jojowain ulit?”

Sagot naman ni Luis na parang nakukulitan na, “wala naman akong sinasabi. Itotropa ko na lang pero naging jowa ko kasi.”

Sey naman ni Jessy na parang naiinis din, “eh di jojowain na lang ulit! Eh mukha namang. . .”

Dagdag pang pagna-nag ng aktres, “may nakita akong picture niya sa phone mo dati, di ba? Noong nagsisimula pa lang ang relasyon natin.”

Pabalang namang paliwanag ni Luis, “hindi ko nabura, nakapatong siya sa maraming mga pics so pagka-scroll-scroll ko, nakita ko lang.”

Parang sarkastiko pa niyang dugtong, “eh di sorry! Di ba ganu’n lang naman ‘yun?”

Tila naiiritang sabi pa ni Luis, “kansel na tayo, wag na nga ‘yang mga ganyan, okay? Peace!”

Tumayo naman si Jessy at sinabing “ayoko na” sabay walk-out sa frame. Pero biro lang naman pala dahil natatawa siyang bumalik. “Charot lang,” sey pa niya.

Well, maraming naging ex-gf si Luis sa showbiz kaya mahirap hulaan kung sino ang kanilang pinag-uusapan. Pero before Jessy, alam naman ng lahat na si Angel Locsin ang huli niyang nakarelasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.