Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy, Luis nagpatayo ng bahay sa beach

0 337

Nagpapatayo na pala ng pangarap nilang house by the beach ang magkasintahang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Ito ang inamin sa amin ni Jessy nang makausap namin siya nu’ng Martes ng hapon sa joint virtual mediacon ng TV5 para sa dalawa nitong bagong shows—ang “Fit for Life” na hinu-host ni Jessy at ang “Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy)” hosted by Pokwang, Pauleen Luna and Ria Atayde.

Sa huling YouTube vlog kasi ni Jessy na nag-heart-to-heart talk sila ni Luis ay nabanggit nilang dalawa na sa tabing-dagat nila gustong tumira balang araw kasama ng mga anak nila.

Nang usisain namin ang 27-anyos na aktres kung mga ilang taon pa kaya ang bibilangan bago sila tumira ni Luis sa kanilang beachfront house, ang sagot niya sa amin ay, “Feeling ko, mga months na lang.”

Ah, talaga? Patatapusin lang nila ang pandemic, gano’n? Ibang bang sabihin ay meron na silang pinaplano ni Luis?

“Marami na kaming naka-plan, pero ‘yun nga, gusto lang naming unti-untiin. And, of course, maraming nagaganap, gusto naming palipasin ‘yung pandemic na ‘to.

“But everything is clear for us. So ‘yun na lang muna ang sasabihin ko. Malalaman n’yo naman lahat,”

So, anong ibig sabihin nu’ng months na lang?

“Months na lang, matutupad na ‘yung pangarap namin na may house sa beach.”

SM food to go Banner Ad

Ah, so nagpapagawa na sila ng bahay?

“May plans na kami, as in literal plans na and all,” pag-amin ng tisay na aktres.

Natanong din namin si Jessy doon sa sinabi niya sa kanyang vlog na may punto noon na nagduda siya kung pakakasalan ba siya ni Luis.

Aniya, “Siyempre, maraming mga beses na ang isang relationship, maraming pinagdadaanan. Alam n’yo naman, minsan, tayo, sa isang relationship, may mga trust issues tayo, may mga napagdaanan tayo noon na medyo hindi madaling makalimutan and maka-move on.

“But slowly, as you go on with your relationship, marami kang natututunan and naghi-heal ka rin.”

Nalampasan na raw nila ang dagok na ‘yon sa mga unang taon ng 4-year relationship nila ni Luis at kung may pagdududa man daw noon, ngayon ay mas tumibay na silang dalawa at marami nang natutunan sa buhay.

Palaging suot ni Jessy ang promise ring na binigay sa kanya ni Luis two years ago. Sobrang thankful daw niya na nirerespeto ng nobyo niya ang mga plano niya sa buhay at very patient ito sa kanya.

Siyempre, engagement ring na ang kasunod nu’n, ‘di ba? Biglang natawa si Jessy. Hindi ba siya naiinip sa kasal nila ni Luis?

“No naman. Kasi, napag-uusapan na rin naman naming. So, you know, everything happens sa tamang oras.

“At siyempre, nasa plano ‘yan ni Lord kaya dapat patient ka lang sa mga nagaganap sa buhay mo,” sey pa ng first time host na si Jessy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.