Abante Tonite Interactive

Jessy, Luis pinag-awayan ang basher

0 489

Sa kabila ngmga intriga at pamba-bash na naranasan noong n­agsisimula pa lang ang kanilang relasyon, nanatiling matatag ang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola at ngayon nga ay nagdiriwang na sila ng ika-3 anibersaryo.

Aminado si Jessy na talagang dumating sa puntong naapektuhan na sila ng mga bashing at pinag-aawayan na rin nila ni Luis.

“Tao lang, may nararamdaman din kami,” sabi ni Jessy sa guesting nila ni Luis sa “Magandang Buhay” kahapon. “Tapos, nu’ng time na ‘yun, napag-aawayan na rin namin. ‘Yun ‘yung sinasabi niya na kapag emotional ako, medyo naiinis siya. Kasi ako naman, kaya ako nagiging emotional, naaapektuhan ako sa sinasabi ng mga tao.”

Pero ngayon daw, masaya naman sila na unti-unti nang nababago ang mga pagtingin sa kanila ng mga tao.

“Nakakatuwa rin kasi, ngayon naman na nakikita nila na talagang totoong masaya kami and tumatagal kami, may mga dating bashers na nagme-message sa amin na ‘sorry, binash ka namin noon, binash namin kayo noon, pero nakita ko kung gaano kayo kasaya ngayon kaya naging fan na ako.’ May ganu’n. Kaya parang siyempre, mas lalo kang naging parang… happy na ako kasi nakita nila ‘yung totoong kami,” sey pa ni Jessy.

Sa huli ay nagbigay ng message sa isa’t isa ang dalawa at naging emosyonal si Jessy as she pro-mised na hindi na raw siya magpapaapekto sa mga sasabihin ng tao.

“Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi akong nandito para sa iyo at palagi kitang aalagaan. At hindi na ako magpapaapekto sa kung anuman ang sasabin nila,” naiiyak na sabi ni Jessy at inalo naman siya ni Luis.

“Hindi lang pangako. Gusto ko rin magpasa-lamat. Kasi ikaw ‘yung na-ging sandalan ko kapag nahihirapan na ako. Minsan kapag mahirap, palagi mo akong pinapatawa. Gusto ko lang magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko at importante ka sa buhay ko,” emosyonal pa ring sabi ni Jessy.

Nangako rin si Luis na magiging strength for Jessy at lagi raw siyang nandiyan para sa girlfriend hanggang sa araw na ikasal sila at higit pa.

“She is the strongest person I know. And I promise na kapag dumating ‘yung araw na ‘yung strength na ‘yun ay medyo buma-baba ng kaunti, I promise to be your strength. And I promise to be there for you. I promise na I will try to make that beautiful lips or mouth smile everyday. I promise to love you from this day forth ‘til that very, very special day that we get to say two words and so much more after that,” sey ni Luis.

Sa nasabing episode ay nagbigay din ng mensahe sa dalawa ang ina ni Luis na Lipa City Representative Vilma Santos at nagpasalamat din siya kay Jessy for making her son very happy.

Ayon naman kay Luis, talagang mahal na mahal daw ng mommy niya si Jessy at ibinilin na nga siya sa girlfriend.

“Sila nagkaka-text, nagkakausap sila. Kapag medyo lumulusog ako, siya (si Jessy) ang unang kukurutin,” sey ni Luis.

Bela kina Angel-Neil: I’m happy for them

Finally ay nagbigay na rin ng kanyang pahayag si Bela Padilla sa engagement nina Angel Locsin at Neil Arce na ex-boyfriend niya.

Sa pa-Q&A ni Bela sa kanyang Instagram followers ay may nagtanong sa aktres kung kumusta ang puso niya ngayong engaged na ang kanyang ex-boyfriend.

“Why would you assume that I’m affected? I’m happy for them,” ang sagot ni Bela.

Well, mukha namang hindi affected talaga si Bela dahil noon pa ay lagi niyang sinasabi na happy siya talaga for Angel and Neil. Maayos daw ang kanilang naging break-up at kahit break na nga sila ay nagkakatrabaho pa sila.

After their break-up kasi ay natsismis na agad si Neil at Angel kaya may mga naghinala noong ang aktres ang dahilan ng hiwalayan pero pareho namang itinanggi ito ng dalawa.