Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy, Luis walang hiwalayan

0 403

NI: VINIA VIVAR

Nagdiwang ng kanilang ika-4 na anniversary kahapon ang showbiz couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Nagbatian ang dalawa sa social media.

Simple lang ang greetings ng dalawa sa isa’t isa. Post ni Jessy, “happy 4th anniversary. I love you.”

Sinagot naman ito ni Luis sa comments section ng “4 with so much more to go. happy anniversary howhow!!”

Sa sinabi ni Luis tila walang hiwalayan na magaganap at seryoso talaga sila sa isa’t isa.

Anyway,dahil matagal tagal na nga ang relasyon ng dalawa at hindi na rin naman sila bumabata, noon pa ay parating tanong sa kanila kung kailan sila pakakasal. Lagi naman nilang sinasagot na napag-uusapan nila pero wala pa talagang konkretong plano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.