Abante Tonite Interactive

Jessy lumayas sa Star Magic

532

Nabanggit ni Luis Manzano sa isang pana­yam na tuluyan nang bumitaw ang aktres sa talent management niya na Star Magic.

Hindi naman ibinunyag ng aktor kung sa­ang agency na lumipat ang dyowa.

Tanging si Jessy lamang ang makapagsasabi kung sino na ang hahawak sa kanya ngayon.

Gayunpaman ay suportado naman ng aktor ang lahat ng desisyon ng kanyang kasintahan. Isinangguni rin naman kasi sa kanya ni Jessy kung tama nga ba ang desis­yon nitong umalis sa Star Magic. Nagbigay umano siya ng payo, pero sa huli ay si Jessy pa rin ang makakapagdesisyon.

Sa ngayon ay going strong ang relasyon ng dalawa at pinaplano ang isang out of the country trip together. (Ronaline Avecilla)