Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy masahista ni Luis

0 355

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog na “Letting Luis Decide what I do for a Day”, pinatunayan ni Jessy Mendiola ang kanyang pagiging masunuring asawa.

First on the list na pinagawa sa kanya ni Luis Manzano ay ang ‘hambing” o lip service na may kasamang lambing.

Second sa listahan sa natoka niyang gawin ang mag-work out kahit pa sabihing masakit ang katawan niya.

Pinag-rowing pa ng TV host-actor sa kanilang home gym rowing machine.

Wala rin siyang choice nang pagsuotin siya ng kanyang Howhow ng formal dress na kailangan daw niyang suotin for the whole day.

As it were not enough, inutusan din ni Luis ang maybahay na lagyan siya ng hot compress dahil may dinaramdam umano siyang stiff neck habang pinapanood nila ng paboritong Netflix series na “The Good Doctor.”

Pinaglaro rin siya ng Call of Duty ni Luis sa kanyang PS 5.

SM food to go Banner Ad

Pagkatapos ng gaming, nag-live naman siya sa Kumu kung saan umawit siya kasama ang kanyang hubby.

Sa huli, sa kanilang bedroom, nagtalo naman ang mag-asawa dahil bet ni Jessy na siya ang gagamit ng paboritong pillow ng mister.

Hirit naman ni Luis, dahil may stiff neck daw siya at kailangang ma-relax, dapat daw na siya ang magiging bed companion nito.

Aminado naman noon si Luis na kung may bagay na hindi niya kayang mawala sa kanyang buhay, ito ay ang paborito niyang unan.

Katunayan, bata pa lang daw siya ay kasama na niya ito.

Noon nga raw nag-out of the country siya, ipinahalughog niya sa housekeeping ng isang hotel nang mawala ito.

Bago naman matulog ang dalawa, ipinakita ni Jessy ang kanyang TLC o tender loving care sa esposo sa pamamagitan ng pagmamasahe rito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.