Abante Tonite Interactive

Jessy momski na ang tawag kay Vilma

176

Kahapon, Nov. 3, ay kaarawan ng Star for All Seasons at Batangas lone district Representative na si Vilma Santos. At ipinagdiwang ito ng buong pamilya sa Taiwan kasama ang girlfriend ni Luis na si Jessy Mendiola.

Naka-post sa IG story ni Jessy ang short video ng celebration kung saan ay makikitang kinakantahan nila si Ate Vi ng birthday song. Bukod kay Luis, makikita rin sa video ang asawa ni Cong na si Sen. Ralph Recto.

Sa caption ni Jessy ay makikita ring “momski” na ang tawag niya kay Ate Vi.

“Happy birthday po momski @rosavilmasantosrecto (heart emoji). We love you very much!” ang caption ni Jessy.

Billy ‘di nagdodroga

Nilinaw ni Billy Crawford na wala siyang sakit at hindi rin daw siya nagda-drugs. Ito ang sagot niya sa mga pumupuna that he has lost so much weight.

Ayon pa kay Billy sa kanyang IG post, isang taon na raw siyang tumigil sa pag-inom. At bukod sa alcohol-free, cigarette-free rin daw siya.

“I got to celebrate with my everything last night for Holloween. And yesterday was my first year anniv since I stopped drinking, not one lick since. Thanks so much my love for supporting me and being there when I’m irritated.

“Everyone says I lost too much weight and I’m ‘too thin’ etc. I am NOT sick NOT on drugs just pure happiness and sober! Free from cigs, and now free from alcohol, too. To God be the glory!” ang kabuuan ng caption ni Billy.

Katawa ang comment ng best friend niyang si Luis Manzano na, “not free from our love though, shower ka na, pauwi na ako.”

Na sinagot naman ni Billy ng, “hahahaHH gago!”