Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy muntik ibugaw

0 124

NI: ARCHIE LIAO

Sumalang sa lie director test challenge ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola .

Natanong si Jessy kung meron na raw ba siyang nasungitan sa mga nakatrabaho niya sa showbiz.

Aniya, hindi raw naman direktang nasungitan kundi napagkamalan siyang masungit o “aloof” dahil sa pinagdaraanan niya noon.

During that time raw kasi may mga problema siya sa kanyang pamilya.

May mga pagkakataon din daw na nali-late siya sa tapings sa mga show niya noon.

Marahil ay napagkamalan daw siyang supladita dahil minsan daw ay hindi niya man lang magawang makapag-hi o hello sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

Sa tanong naman kung nagkaroon na siya ng friends with benefits, aniya, never pa raw nangyayari iyon sa kanya.

Never pa rin daw siyang nakapagsabi ng “I love you” without meaning it.

Ibig sabihin, kapag binigkas daw niya ang “magic words” na ito ay tagos sa puso niya.

Sa question naman, kung na-offeran na siya ng indecent proposal, hindi naman ito ipinagkaila ng actress-Youtuber.

Nangyari raw ito noong bago pa lang daw siya sa showbiz.

May isang friend daw niya ang nag-message sa kanya na may isang taong interesado sa kanyang i-date.

Katunayan, hirit ng kakilala niya, name your price daw ang offer ng lalake, pero ang alok daw nito ay maglu-lunch lang sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.