Abante Tonite Interactive

JESSY nag-uumapaw ang sex appeal

815

Mahirap nang pakawalan ni Luis Manzano ang kasintahang si Jessy Mendiola.

Posibleng sa kasalan na ang hahantungan ng kanilang relasyon.

Si Jessy ang babaeng parang isang Diyosa na galing sa kaha­rian ng mga kuwento ng Greek mythology.

Daig pa sa labanos ang kanyang kaputian.

Kahit anumang detergent brands na pampaputi ay mahihiya sa kutis ng dalaga.

Sa lumpon ng mga female celebrities sa social media at sa mundo ng lokal na aliwan, nag-iisa lang ang gaya ni Jessy.

Maraming katangian ito na wala sa ibang mga stars na naglipana sa boob tube ng mga networks.

Taglay ni Jessy ang katawang hindi makukuha sa kahit na anong pagdyi-gym.

Ang hubog ng kanyang pigura ay mahirap pamarisan dahil nasa foreign genes ang ganitong body form. Hindi maikakailang nag-uumapaw ang kanyang sex appeal.

Sinumang makakakita ng ganitong ka­seksihan ng dalaga ay talagang mangangatal sa pagnanasa.

Kaya naman ang mga ngiti ni Luis ay abot hanggang tenga dahil sa “jackpot prize” na nasungkit niya. Hindi kinakailangan pang sumali sa sarili niyang game show na “Minute to Win It”.

Sentro ng inggit mula sa kala­lakihan si Luis dahil kay Jessy na saksakan sa ganda at sexy.

Sigurado na kung magkakaanak sila nito, pawang mga magagandang nilalang ang mabubuo nila sa mundo.

Isa pa sa magandang katangian ni Jessy ay ang pagiging mabait nito.

(ReyPu­malo­y)