Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy ‘nagselos’ kay Anne

0 797

NI: ARCHIE LIAO

Nag-react si Jessy Mendiola sa unique birthday greeting ni Anne Curtis sa kanyang hubby na si Luis Manzano na nag-celebrate ng kanyang birthday kahapon, Abril 21.

May pa-throwback pic si Anne na nakahuli ng atensyon ng wifey ni Luis.

Nakatawag-pansin din ang larawan ng shirtless photo ng younger Luis kasama ang paborito niyang leading lady noon na si Anne.

“I know you’ll hate me for posting this.” “But haha Happy Birthday, Manzano” “Love you very much @luckymanzano. We have so many good pics and memories to post. Some of them will never be posted but the rest, I’ll save for your next birthday. Let’s take new pics and mems soonest! You and @senorita_jessy have to meet Dahlia pa!”, ani Anne.

Nag-react naman si Jessy ng three laughing crying emojis sa nasabing photo.

Sey ng mga netizen, may selos factor daw ang reaksyong iyon ni Jessy.

For the record, sa isang panayam noon, inamin ni Anne na ang tipo ni Luis ang gusto niyang mapangasawa but through the years, naging ending nila ay ang pagiging mabuting magkaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.