Abante Tonite Interactive

Jessy nagtangkang mag-suicide

By
1,468

tonite-pak-allan-dionesMangiyak-ngiyak si Jessy Mendiola nang aminin nito kahapon na muntik na siyang mag-quit sa showbiz.

Sabi ni Jessy sa presscon ng MMFF 2018 entry na “The Girl in the Orange Dress”, malaki ang pasasalamat niya sa pelikula dahil dumating ito sa kanya nu’ng panahong handa na niyang talikuran ang pag-aartista.

Nagpasalamat din siya na ipinaglaban siya ng leading man niya sa movie na si Jericho Rosales.

Abante Hiring – IT dep

Natutuwa si Jessy na after all these years ay nagkaroon siya ng big break, tapos ay first time niyang magbida sa pelikula at kasali pa ito sa MMFF.

Magandang birthday gift daw ito sa Kapamilya actress na nag-26th birthday lang nu’ng December 3.

Inamin ni Jessy na naramdaman niya before na baka hindi para sa kanya ang showbiz. Malaking factor daw dito ‘yung negativity dahil sa matinding bashing na natatanggap niya lalo na sa social media for the past 2 years.

Sobra siyang naapektuhan nu’n.

Aminado rin si Jessy na naging negative ang dating niya sa mga tao kaya hindi siya binibigyan ng projects ng ABS-CBN. Nag-gain din siya ng weight kaya sinabi niya na kailangan din muna niya ng break para ayusin ang sarili niya.

Malaki raw ang naitulong sa kanya nu’ng 2 years na nagpahinga siya dahil naging stronger at rational na siya sa mga desisyon niya.

Nu’ng panahon na gusto na niyang mag-quit ay binalak niyang bumalik na lang sa pag-aaral at maghanap ng ibang gagawin. Sakto lang talaga ‘yung timing na dumating ang malaking blessing na ito sa kanya.

Ang “The Girl in the Orange Dress” daw ang nagbalik ng passion ni Jessy sa acting. Kaya sa ngayon ay hindi na raw muna siya aalis at wish niyang maging maganda ang resulta ng pelikulang ito sa December film fest.

After ng open forum sa presscon ay nakausap namin si Jessy at inamin niya sa aming dumaan pala siya sa matinding depression, lalo na after nu’ng infamous ‘plane incident’ nila ni Enrique Gil nu’ng 2015.

Hindi lang daw months kundi u­mabot ng 2 years ang depression niya na ‘yon. Nagkaroon daw siya ng doktor para roon at hindi siya nahihiyang aminin ‘yon.

Maglalabas daw siya ng vlog dahil gusto niyang i-spread ang awareness na depression is not a joke at bashing and cyber bullying affect people.

Dumating pala sa point na nagtangkang mag-suicide noon si Jessy. Naging very ho­nest siya sa pag-amin sa amin na there was a time na naglaslas siya ng pulso. Buti na lang ay nakita siya ng mga kaibigan niya at isinugod siya ng mga ito sa ospital.

Ang advice niya sa mga dumaranas ng ganito ay huwag mahihiyang humingi ng tulong dahil delikado aniya na saktan ang sarili.
Once lang daw niya ito ginawa dahil na-trauma siya at nagsisi siyang ginawa niya ito before. Ngayon ay proud siyang sabihin na she’s really okay and she has already healed.
Oo nga pala, na-happy rin si Jessy na katambal niya sa “The Girl in the Orange Dress” ang dati niyang crush na si Jericho Rosales.

Nu’ng panahon ng “Pangako Sa ‘Yo” ay wala raw siyang ibang kila­lang artista kundi si Jericho, na gumaganap bilang Angelo sa sikat na teleserye.

Tapos, ngayon ay may kissing scene at love scene sila sa movie, kaya suryal daw ang pakiramdam ni Jessy. Pero aminado siyang kinilig siya nang mag-kiss sila ni Echo.

***

Dennis nabinyagan si Kim

Ang suwerte ni Dennis Trillo na siya ang ‘nakauna’ na maka-love scene sa pelikula si Kim Chiu.

Actually, silang dalawa ni JC de Vera, na parehong kapareha ni Kim sa MMFF 2018 entry ng Regal Films na “One Great Love”.

Puring-puri ni Dennis si Kim na ayon sa kanya ay walang arte, kung anong kailangan sa eksena ay ginagawa nito at dinadagdagan pa.

Bukod sa very involved daw si Kim as a co-star, very giving din ito sa mga eksena at hindi siya nahihirapang mag-emote dahil nadadadala siya sa emosyon nito.

Ani Den, sa “One Great Love” ay hindi makikita ng mga tao si Kim kundi ang karakter nito na si Zyra.
And speaking of their love scene, nu’ng una ay pareho raw silang kinakabahan ni Kim. Nang pinag-usapan na nila kung anong gagawin ay mas naging komportable na sila sa isa’t isa.
With the guidance of Direk Eric Quizon, naitawid nila nang maayos ang intimate scene na ‘yon na very artistic daw lumabas, sabi ni Dennis.
By the fireplace somewhere in Tagaytay ang setting ng love scene ng KimDen.

Alam ng lahat na si Jennylyn Mercado ang karelasyon ni Dennis. Masasabi ba niya na si Jen na ang kanyang ‘one great love’?

“Gusto kong isipin na siya, ‘di ba? Siyempre, masaya kami ngayon. So, siguro walang dahilan para hindi ko maisip ‘yung mga ganyang bagay,” sambit ni Dennis.

Sa December 25 ang showing nationwide ng “The Girl in the Orange Dress” at ng “One Great Love.”