Abante Tonite Interactive

Jessy nagwawalis ng kanegahan

766

tonite-imo-vinia-vivarTila “disclaimer” ang ipinost ni Jessy Mendiola sa kanyang Instagram story na nagsasaad na huwag daw paniwalaan ang lahat ng nababasa online.

“Do not believe everything you read online. All things are subject to interpretation and sometimes our “statement” is taken out of context,” ang post ni Jessy.

Wala namang specific na tinutukoy ang aktres kung ano ba ang statement niyang taken out of context at hindi namin alam kung may kinalaman ba ito sa latest pronouncements niya sa nakaraang presscon ng The Girl in the Orange Dress na muntik na siyang tumigil sa pag-aartista.

Isa ang mga bashers sa itinurong dahilan ni Jessy kung bakit gusto na niyang mag-quit among other things at nagkaroon ng mixed reactions ang mga netizens tungkol dito.

Ang dami pa ring nang-bash kay Jessy dahil sa mga naging pahayag niya at ewan kung dahil dito kaya naglabas ng tila pag­lilinaw ang aktres.

Bukod dito ay may mga sinabi rin siya hinggil sa airplane scandal nila noon ni Enrique Gil at hindi ito nagustuhan ng ilang fans ng aktor. Feeling nila ay ‘nagamit’ ng aktres si Quen sa pagpo-promote ng movie nito.

Pero marami pa rin namang nagtatanggol kay Jessy at anila ay tinanong lang naman ang aktres tungkol dito at alangan namang maging bastos ito sa reporters.

Tila nagwawalis si Jessy sa mga kanegahan na ibinabato sa kanya ngayon.

Richard pinapatakbo si Aga

Gusto ni Richard­ Gomez na patakbuhin sa eleksyon si Aga Muhlach. Ito ang laman ng post ng una kamakailan. Nagkita kasi sila kasama ang kani-kanilang pamilya sa airport the other day.

“I was so happy to see Aga and Charlene at the Cathay Pacific Lounge. We had some time to talk about things we’ve been doing. We talked about politics and I told him to run again because I know that public service is really in his heart.

“When we reached HK airport our flight was so delayed that when we stepped out of the plane we had very little time to say good bye. We had to rush to our connecting flights otherwise we would have been left behind.

This selfie was a quick shot before saying goodbyes,” ang caption ni Goma sa larawan nila na ipinost niya sa IG.
It turned out na birthday pala ni Lucy Torres kaya marahil nagbakasyon sila sa ibang bansa kasama ang only daughter nilang si Juliana.

Binati ni Goma ang asawa sa IG na talaga namang napaka-touching. Sa kanyang mensahe ay makikita talaga ang labis na pagmamahal niya sa wife.

 

“Happy birthday my love!

“You truly are a gift from God. Many see you as a beautiful and fragile person but most don’t know your inner strength and conviction . I love you for making me laugh, for making many of our friends laugh. You are one of the funniest persons I know.

“I love the way you tell me and make us feel how much you love me & Juliana.

“I know you can easily get lost bec of your bad sense of direction and maybe that is one of the reasons why the good Lord made you marry me so that you won’t get lost anymore. And so you won’t ride the wrong car bec all cars look the same to you.

“I love traveling the three of us. We spend endless hours just talking, eating, laughing and making beautiful memories.

“But I also realize that you and Juliana always laugh at me every time I forget about people’s names and who they are and what they do,” ang napakagandang mensahe ni Goma.

Sa huli, sey niya ay wish niyang magkaroon pa sila ng hundred years of togetherness ni Lucy.

“I love my life with you and I pray that we can spend more hundreds of years together in our lifetime (hurot na ang friends natin if that happens!),” pagtatapos ni Goma.
How sweet!