Abante Tonite Interactive

Jessy nakakaelya ang hubog ng katawan

By
4,502

Ngayong tila ang kanyang figure eh ang kanyang best figure ever, ang kanyang mga basher at hater na todo ang body shaming sa kanya dati, may hanash at kuda pa kaya silang maibabato para kay Jessy Mendiola­.

With the right exercise program and eating well, vavavoom with a capital V ang kasintahan ni Luis Manzano. Ka­elya-elya ang hubog ng katawan.

At damang-dama mo ang kanyang presensya­ ngayon sa tele­bis­yon dahil nga, may not one, but two patalastas sila ni Manzano na umeere sa kasalukuyan.

Ang wish nga ni Luis, “Sana masundan pa,” ang kanilang mga patalastas. In fairness to the couple, they look great together at magaan ang vibe. Sana, hindi lang sa patalastas sila magkasama, kundi sa isang pelikula o kaya sa isang light drama comedy na teleserye.

Si Jessy ang bonggang maging aspiration at inspiration lalo na sa pagdating sa wellness at exercise, at sa pagiging ulirang kasintahan, hindi ba naman?