Abante Tonite Interactive

Jessy pampalapot ng pawis

759

Nakapaglalaway ang makurbang katawan ni Jessy Mendiola. Masisilip ito sa kanyang latest Instagram post habang nasa Koror, Palau ang Kapamilya aktres.

Suot ang seksing multi-colored two piece bikini, super-yummy ang porma rito ni Jessy dahil sa kanyang flawless na complexion at sa mala-Coca Cola niyang katawan.

Ibang klase ang angking kariktan ni Jessy na isang certified hottie, kahit saang anggulo pagmasdan. Hindi lang sa ganda palaban ang GF ni Luis Manzano, dahil maging sa kaseksihan ay tunay na winner ang kanyang porma.

Ang aktres ay napapanood ngayon sa ABS-CBN TV series na “Sandugo” na tinatampukan nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Si Jessy ang tipo ng babaeng kayang-kayang magbigay ng kakaibang init sa mga barako. Walang lalaking hindi pagpapawisan nang malapot kapag nasilip ang kanyang taglay na alindog.

Kaya hindi nakapagtataka kung maging laman ng wild imagination ng mga kalalakihan ang hotness ng aktres.

Ang mga babaeng tulad ni Jessy ay walang dudang pampagising sa mga natutulog na ugat ng maraming kalalakihan! (Nonie Nicasio)