Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy ready nang mabuntis

0 17

ROMMEL PLACENTE:Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ng isang mag-asawa kapag sila’y may anak na.

Kaya si Jessy Mendiola,after niyang magpakasal kay Luis Manzano, ay sinabi niya, sa pamamagitan ng kanyang latest vlog,na handa na siyang maging isang ina

‘Yes! I am eady to get pregnant,”sabi ng aktres

O, di ba mga ka-Cuatros kahit matitigil si Jessy sa pagtatrabaho kung mabubuntis na,ay okey lang sa kanya Ang mahalaga para sa kanya ay maging isang ina na, kukumpleto sa kanyang pagkababae at mabigyan ng anak ang mister na si Luis

Ayon pa kay Jessy,mas magandang mabubuntis siya na nasa late 20s siya kesa nasa 30s na.

Ganunman,hindi pa raw sure ang aktres kung mabubuntis siya this year, na dumaranas tayo ngayon ng pandemic.

Nangangako naman si Jessy sa mga tagahanga nila ni Luis,na ipapaalam niya sa mga ito sakaling buntis na siya .

RODEL FERNANDO: Kung buntisan ang isyu mo Ka-Cuatros Rommel, panganganak naman kay Roxanne Barcelo. Ipinagmamalaking pinost ng aktres sa kanyang Instagram account ang bagong silang niyang baby.

SM food to go Banner Ad

“Here’s to the rest of our life. @dababycinco,” sey ni Roxanne.

Pero binash agad ang post na ito ng ilang netizen. Sey nila, bigyan naman daw ng privacy ang kasisilang na sanggol. Hindi na raw muna dapat isinapubliko.

Of course, hindi na ito papansinin ng singer-actress. Mas importante ang kaligayahan niyang nararamdaman ngayon bilang isang bagong nanay.At saka proud mother lang siya kaya nilantad niya sa mga netizen ang kanyang baby.

MILDRED A. BACUD: Dumadarating siguro sa punto sa buhay ng mga artista na mag- iiba na prayoridad sa buhay once na maging ina. Tulad na lamang ni Nadine Samonte na buntis sa pangatlo niyang anak. Mula nang magkapamilya mas pinili na lang niyang talikuran ang showbiz at maging simpleng maybahay. Si Nadine ay magiging tulad din ni Jessy na kayang iwan ang showbiz kapalit ng pagkakaroon ng sariling pamilya.

Better late than never naman para kay Desiree del Valle ang pagkakaroon ng anak with Boom Labrusca. Recently nga ay masaya silang nag-post ng larawan sa Instagram tungkol sa gender reveal party para sa magiging anak. Bakas naman ang sobrang excitement sa dalawa sa pagdating ng kanilang baby boy.

ROLDAN CASTRO: Bongga naman ang gender reveal party para sa baby ni Neil Coleta at ang kanyang dyowa na si Jazmin Chinnei.. Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pa ang nagbasa at naglantad ng kasarian nito.

“‘It’s A Girl.’ Yahoooo. Pero para sakin, sabi ko nga… kung ano man po kalabasan ng gender, okay na po kami dahil blessing po galing sa Panginoon. Maraming salamat po… and pangako iingatan namin sya at mamahalin,” post ni Neil.

Congrats!

Leave A Reply

Your email address will not be published.