Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy tigil na sa pasilip

0 204

NI: Vinia Vivar

Tigil na nga ba si Jessy Mendiola sa mga sexy pictorials? Sa kanyang recent IG page kasi ay sinabi ng aktres na last hurrah na raw niya ang sexy photo shoot na kanyang ipinost.

Sa nasabing mga larawan ay makikita si Jessy in a white bikini na mala-cow girl ang tema.

“It’s been a long time since I had a photo shoot like this. Last hurrah before I turn 30 this year!” caption ni Jessy.

Some are saying na mukhang magko-concentrate na si Jessy at mister na si Luis Manzano sa pagkakaroon ng anak kaya nag-last hurrah na ang aktres sa pagpapa-sexy.

SM food to go Banner Ad

Sa isang panayam ay nabanggit pa ni Jessy na pinaplano na talaga nila na magka-baby at may tatapusin lang daw siyang mga commitment.

Nabanggit din ng aktres na if ever ay mga tatlong anak lang ang gusto niya.

Kapansin-pansin din na lie-low na si Jessy sa paggawa ng projects. Pero dahil aktibong-aktibo naman siya sa social media at sa paggawa ng content sa kanyang YouTube channel ay madalas pa rin siyang makita’t mapanood ng kanyang fans.

Nabanggit na rin niya before na kahit nga wala siyang project ay thankful naman siya na marami pa rin siyang endorsement.

Leave A Reply

Your email address will not be published.