Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jessy wapakels sa career basta healthy

0 161

NI: Vinia Vivar

Matagal-tagal nang hindi napapanood sa mga proyekto si Jessy Mendiola.

Sa kanyang YouTube vlogs na lang siya nakikita ng kanyang mga fan. Kaya naman marami ang nagtatanong kung talaga bang titigil na ba siya sa pag-arte o kung pinagbabawalan ba siya ng asawang si Luis Manzano.

Pero nilinaw ni Jessy na hindi naman niya tinatalikuran ang pagiging artista. Tatanggap pa rin naman daw siya ng projects pero siyempre ay depende rin sa materyal.

Kung maganda naman daw at nagustuhan niya ang konsepto, bakit naman daw niya tatanggihan.

SM food to go Banner Ad

“I am currently with no network. I’m a freelancer right now. Yun nga I’m still enjoying my time na nagba-vlog, pa-easy easy lang.

“I value my health more than anything and aminin naman natin in our industry, aminin natin lahat tayo laging pagod and hindi naman din maiiwasan talaga kasi blessings yun, eh.

“But for me, mas gugustuhin ko na nakakapahinga ako. Even yung emotions ko naaapektuhan pag puyat ako. So hindi din siya healthy for me. Siguro paisa isa lang,” sey ni Jessy sa isang panayam.

Sa ngayon ay nasa Boracay pa si Jessy kasama ang mister na si Luis bilang selebrasyon sa kanyang 29th birthday last Nov. 3.

Leave A Reply

Your email address will not be published.