Abante Tonite Interactive

Jessy zero ang pag-asang mag-Darna

543

Nagbigay na rin ng pahayag si Jessy Mendiola tungkol sa posibilidad ng pagigiging bagong Darna dahil isa rin siya sa mga napipisil ng netizen na pumalit kay Liza Soberano.

Ayon kay Jessy sa panayam sa kanya ng ilang reporters sa premiere night ng pelikulang “Stranded,” zero raw ang chances na makuha siya at natatawa pa niyang sabi, “may Darna bang blonde?”

Pero sa seryosong usapan, aniya ay dapat daw talagang morena si Darna.

“I personally think dapat morena ‘yung Darna kasi nakakalimutan na siya ng Generation Z. May ibang bata na kapag tinatanong if kilala nila si Darna, sino daw si Darna. Feeling ko dapat if Pinay superheroine, dapat talaga morena this time,” sey ni Jessy.

Matatandaang sa u­nang search pa lang for Darna at hindi pa si Liza ang napipili ay isa na ang pangalan ni Jessy sa lumililitaw na napagpipi­lian for the iconic role.

That time ay laging sinasabi ng aktres na open naman siya at kung ibibigay sa kanya ay bakit daw hindi. We just don’t know kung hanggang ngayon ay ganu’n pa rin ang thinking ni Jessy.

Sa totoo lang, napa­kalaking pressure para sa sinumang aktres na susunod na mapipiling Darna dahil bukod nga galing ito kay Liza, napakataas na ng expectations ng mga tao sa gaganap nito.

Sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo ay nagsabi na ng “no to Darna” sa kani-kanilang recent interview.
***

Kahit may kaso: ER tuloy sa pagtakbo

Nilinaw ng action star and former Laguna Governor na si EJ Ejercito sa presscon niya last Tuesday na hindi siya disqualified na tumakbo bilang gobernador muli ng probinsya sa darating na eleksyon ngayong Mayo.

Ito ay sa kabila ng “guilty” ruling sa kanya ng Sandiganbayan kaugnay ng pinasok niyang insu­rance deal in 2009 noong panahong Mayor pa siya ng Pagsanjan, Laguna.

“Former Laguna go­vernor Emilio Ramon ‘ER’ Ejercito can run for governor of Laguna this 2019. He is not disqualified to run because the decision of the Sandiganbayan is not final and executory,” pahayag ng abogado ni ER na si Larry Gadon sa naturang presscon.

Ayon kay ER, fake news ang lumabas na disqualified siyang tumakbo.

Sa kasalukuyan ay naghain na ng motion for reconsideration ang kampo ng aktor sa Sandiganbayan at nagpiyansa na nagkakahalaga ng P30,600.00.

Pahayag pa ni ER, ang Supreme Court ang makapagsasabi kung hindi na siya puwedeng tumakbo sa May elections.

Naninindigan si ER na wala siyang gina­wang corruption at ang sinasabing insurance deal na pinasok niya ay accident protection para sa mga turista at namamangka sa Pagsanjan Falls. Isa raw itong magandang intensyon on his end at wala raw itong ano­malya.

Ayon pa kay ER, tuloy na tuloy ang kanyang pagtakbo at suportado raw siya ni Pres. Rodrigo Duterte at anak nitong si Mayor Sara.