Abante Tonite Interactive

‘Jesus Christ Superstar’ Jeff Fenholt pumanaw na

351

Pumanaw na ang theater actor na si Jeff Fenholt. Nakilala siya dahil sa kanyang pagganap bilang Jesus sa sikat na rock opera na “Jesus Christ Superstar” noong dekada ‘70.

Limang araw bago ang kanyang ika-69 na kaarawan ay pumanaw si Fenholt sa kanyang tahanan, sa edad na 68.

Kinumpirma naman ng anak ni Jeff ang balita sa kanyang Facebook account.

Mahigit 700 pagtatanghal ang tagumpay niyang ginampanan sa Mark Hellinger Theatre simula 1971.

Na-feature rin siya sa Time Magazine at nag-ala Jesus sa kasuotan na may korona pang tinik sa ulo.

Dati rin siyang nalulong sa alak at droga nang matapos ang “Jesus Christ Superstar” sa broadway. Ito ang nagtulak sa kanya para maging Christian evangelist. (Ronaline Avecilla)