Abante Tonite Interactive

Jewel Lobaton naiyak sa mga anak kay Koko

0 3,225

NI: RONA RONDA

Hindi mapakali si 1998 Binibining Pilipinas-Universe na si Jewel May Lobaton, matapos magpositibo sa COVID-19 si Senator Koko Pimentel. Nasa pangangalaga kasi ng senador ang dalawang anak niya rito.

Nangangamba ang dating beauty queen na baka na-expose sa virus ang kanyang mga supling.

Aniya, “It’s true na when your family is involved it’s another story. I’ve been quiet for many years, but now sabi ko, ‘I will do everything as a mother to make sure that my children are safe.’ Since I know that they were exposed during the time that na symptoms are there already.”

Nananalig si Jewel na sana’y hindi infected at maayos ang kalagayan ng kanyang mga anak. Kaya naman lumapit na siya sa mga kaibigan para makakuha ng update tungkol sa kanila.

Bunga nito, nangailangan na siya ng tulong mula sa kanyang abogado para makahingi ng temporary custody sa kanyang mga anak.

Magda-dalawang linggo na rin ang nakararaan nang huling makausap niya ang mga ito.

Naiyak siya sa labis na pag-alala sa 2 menor de edad na anak.