Abante Tonite Interactive

Jewel may COVID baby

950

NI: VINIA VIVAR

Isa sa matatawag ding COVID babies ang isinilang ng dating Kapamilya Star na si Jewel Mische. The former actress gave birth last April 3 sa kanyang pangalawang anak. Ito ay sa panahon na may COVID-19 crisis tayo sa buong mundo.

Nag-post si Jewel sa kanyang Instagram account ng video at larawan ng kanyang second daughter na pinangalanan niyang Emerald.

“The flower born into adversity is the most beautiful and rare of all,” caption ni Jewel.

Sa isa pang larawan ay ipinaliwanag ni Jewel kung ano ang meaning ng “Emerald” na pangalan.

“She’s here.💎| Emerald “Emrie” Jade Kurzer |Emerald: “majestic beauty.. rare strength.. tempered with mercy and lover of mankind.” 7 pounds 10 ounces | 18.5 inches. 4/3/20 (1 day old). I’m good, just sore & exhausted,” pahayag ni Jewel.

Matatandaang ikinasal si Jewel sa kanyang American husband na si Alister Kurzer noong 2015. Ang panganay nilang anak ay magda-dalawang taon na sa July. Nakabase sila sa Michigan at paminsan-minsan ay umuuwi ng Pinas para magbakasyon.

Tonite – Wendys Inhouse Ad