Abante Tonite Interactive

Jhane busog sa raket

889
Nakatsikahan namin sa Abante Tonite office ang isang miyembro ng dating Mocha Girls na si Jhane Santiaguel.
Hindi nagbabago ang face ng dancer-singer-sexy actress. Maganda pa rin siya, ‘yun nga lang malaman na.
Ayon kay Jhane, nami-miss niya ang mga da­ting kasamahan sa Mocha group. Pero minsan-minsan naman daw ay nagkikita sila. Nanood siya ng show ng mga ito (karamihan daw kasi ay mga bago na) kapag may time siya.
Sa ngayon solo artist na siya. Blessings naman daw na magmula nang mawala siya sa grupo ay ang dami niyang mga raket which is very thankful siya.
“Happy ako kasi nu’ng ako na lang nagha-handle ng career ko ang dami raket na pumapasok. ‘Pag grupo kasi hindi lang isa ang dapat na ma­bigyan ng project kundi lahat. But, I’m happy with my Mocha group,” sambit ni Jhane.
As a solo talent si Jhane ang babaeng kasama sa music video ng Ex-Battalion sa hit song nilang ‘Hayaan Mo Sila’. Natutuwa ang dancer-singer dahil sa mga kasunod na music video ng grupo ay siya pa rin ang kinukuha.
Natanong tuloy ng Abante Tonite kung may boyfriend siya sa grupo. Mabilis ang sagot ni Jhane. “Naku, wala… wala… mga friends ko lang sila. Mga professionals sila.”
Speaking of boyfriend, loveless daw siya nga­yon. Crush-crush lang daw muna siya.
Hinggil sa ex-boyfriend niyang actor na dapat ay pakakasal na sila, aniya, naka-move on na raw siya. Ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang guy.
Ani Jhane: “Totoo, we’re engaged, pero siguro hindi talaga kami meant to be. Kasi ang two years relationship namin lagi on and off eh. Siguro ganu’n talaga. Nasanay na rin.
“First time namin naghiwalay ng ganito katagal. The best way na ginawa ko, eh, to let him go. Kasi kung sasabihin mo naka-move on ‘pag nakita mo siyempre parang may tendency na maging kayo uli.”
Hindi naman daw parents ng actor ang dahilan kaya sila naghiwalay. Ayon pa kay Jhane may girlfriend na rin daw ang kanyang ex.
Sa ngayon hindi raw muna siya nag-e-entertain ng manliligaw. So far, as long as her career wise is concerned, focus daw muna siya lalo na at kaliwa’t kanan ang projects niya.
Pero, pinagdiinan ni Jhane na kapag nagka-boyfriend siyang muli ‘AYAW KO NA NG NASA SHOWBIZ. NON-SHOWBIZ NA ANG GUSTO KO.’ May manliligaw daw siya ngayon na Singaporean.
May indie films na gagawin si Jhane at willing siya kung sexy ang tema. “‘Wag lang ako paghubarin.” At kung may love scene ang type niyang makalampungan sa kama ay ang guwapong actor na si Piolo Pascual.
Very proud din si Jhane na nasama siya sa Tanduay Angels 2018 kung saan ang cover ay si Erich Gonzales. “Ang ganda nga niya, eh, at sexy pa,” sambit ni Jhane. ‘Di naman daw siya nagpatalo dahil naka-lingerie lang siya at meron ding shoot na naka-bra at panty lang.
Game din si Jhane nang itanong kung may experience na ba siyang makipagdugdyugan sa ­kotse.
“Meron, dalawang beses pero magkaiba ng lugar,” aniya. Iba raw thrill ang kanyang naramdaman. Besides, hindi na rin sumagi sa isip niya kung may sisita ba sa kanilang pulis o may makakita sa kanila. “Iba ‘yung feeling… at ‘pag nasa ganu’n na akong feeling… hindi ko na alam,” lahad ni Jhane.