Abante Tonite Interactive

Jheck nag-Throwback sa bulkang Taal

375

Nagtanaw-balik si volleyball star Angelique Beatrice ‘Jheck’ Dionela sa magaganda niyang alaala sa dating binisita at sumabog nitong Linggo na Bulkang Taal sa Talisay at San Nicolas sa Batangas.

May isang throwback post na ibinahagi ang veteran libero na naglalaro sa Cignal HD Spikers sa Philippine SuperLiga nitong Huwebes.

Sa kanyang Instagram account, pinasilip ng magandang balibolista ang kanyang adventure sa bunganga ng bulkan.

“Good times Taal Volcano, good times. #TaalVolcano #MainCrater #ThrowbackNotThursday” caption ni Dionela sa kanyang larawan habang nakaupo sa isang bahagi ng bulkan.

Nitong Enero 12 pumutok ang Taal Volcano na nakaapekto sa CALABARZON region maging sa Metro Manila area sa pagkasira ng mga ari-arian at pagpapaulan ng abo.

Nakalulungkot na marami na ang mga nawalan ng tahanan sa Batangas, kasama ang kanilang mga pananim at namatay na mga alagang hayop gaya ng baboy, baka, kambing, manok, aso, pusa at iba pa na mga natabunan ng ashfall.

Maraming bumuka ring mga lupa at nawasak na mga kabahayan kahit kongkreto ang pagkakagawa.

Patuloy naman ang pagdating ng mga ayuda sa mga biktima pero kinukulang pa rin. (JAT)