Abante Tonite Interactive

Jho balik-pugad ng Lady Eagles

230

Muling isusuot ni ace spiker Jhoana Louisse Maraguinot ang kanyang Lady Eagles jersey nang magdesisyong gamitin pa ang panlima at huling playing year sa Ateneo de Manila University sa UAAP Season 82 womens indoor volleyball tournament sa darating na Pebrero.

Nag-skip ang 5-foot-8 outside hitter sa nakaraang taon sa Loyola Heights-based squad kung saan nasungkit ng koponan ang kampeonato sa torneo. Nagka-injury siya noon.

Balik-aksiyon din sa Oliver Almandro-mentored Ateneo 6 sina veteran opposite hitter Katrina Mae Kat Tolentino at setter Jamie Isabelle Lavitoria na magkakasama sa training camp ng koponan sa Japan.

Ginulat ni Tolentino ang lahat nang bawiin nito ang kanyang desisyon na ?di na niya gagamitin ang kanyang last playing year. (JAT)