Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jho nasikwat ng BaliPure

0 145

PAPALO na para sa BaliPure Purest Water Defenders si volleyball stalwart Jho Maraguinot at walo pang mga balibolista papasok sa 2022 Premier Volleyball League Open Conference na pinaplanong simulan sa susunod na buwan.

Ayon sa mga naunang ulat, hahampas na sa panig ng Water Defenders ang former Ateneo star na huling umaksiyon para sa Perlas Spikers na liliban sa darating na PVL season.

Bukod kay Maraguinot, dinagdag rin ng Water Defenders sa kanilang koponan sina Janine Marciano, Julia Ipac at Rap Aguilar mula Cignal, Alyssa Eroa mula PLDT, Marian Buitre galing ng Chery Tiggo, Jamie Lavitoria mula sa Choco Mucho at Patty Orendain.

SM food to go Banner Ad

Magbabalik naman para sa Water Defenders si setter Alina Bicar na umariba kamakailan kasama ang Petro Gazz Angels.

“It’s a balanced team compared to last year,” litanya ni BaliPure team manager Gil Cortez.

Matatandaan na tumapos sa ikawalong puwesto ang BaliPure sa nagdaang 2021 PVL Open Conference at nagwakas sa 3-6 win-loss card. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.